Week 6. FILIPINO.
Layunin:. Magagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pagbibigay ng paksa sa talata at tula ..
Naibibigay ang Paksa ng Talata at Tula.
Elicit. m asayang nakipaglaro si Tiya sa kanyang kalaro ..
a. tsanilas b. tsinelas. Tingnan ang pagkabaybay sa salita , alin ang tama? Alam mo na ba paano sumulat ng pangungusap ?.
Engage. Masayang Pamilya ni Nancy M. Agduyeng Masayang pamilya Kumakain nang sama-sama Masustansiyang gulay , karne at isda Pinagsasaluhan ng buong pamilya Alam nina tatay at nanay Karapatan ng mga supling minamahal Mabigyan ng masustansiyang pagkain araw-araw Upang lumaking malusog mga munting anghel sa bahay ..
Mga Tanong :. Ano ang paksa ng tula ? Anong karapatan ng bata na nabanggit sa tula ? - Bakit kailangang kumain ng masustansiyang pagkain ? - Sino ang tinutukoy na munting anghel sa tula ? - Ano ang paksa sa ikalawang saknong ?.
PANGKATIN ANG MAG-AARAL SA TATLO. IPALIWANAG ANG MGA PARAAN SA PAGGAWA NG PANGKATANG GAWAIN..
INDICATORS POINTS Naisasagawa ng malinis at tama ang gawain na may kooperasyon sa bawat kasapi ng pangkat. 5 2. Naisasagawa ang gawain na may pakikipaglahok ngunit naging sunod-sunoran lamang. 4 3. Naisasagawa ang gawain na hindi nagpapakita ng kooperasyon sa grupo 3.
PANGKAT 1. Magbigay ng mga salita na makikita sa kuwento ..
PANGKAT 2. Iguhit ang paksa sa kuwento ..
PANGKAT 3. Isadula ang pangyayari sa kwento ..
Your Timer starts now!.
Subukan Mo!. Si Treksi ni Nancy M. Agduyeng Mamang karpentero , Anong ngalan mo ? Gawa mong bahay gustong -gusto ko . Tweet..tweet.. tweet . Iyan si Trexie , ang alaga kong ibon . Maganda at matalinong ibon . Tatlo ang kulay ng kanyang balahibo may pula, berde at azul kaya tinawag ko siyang Treksi ..
Subukan Mo!. Nahuli ko siya sa parke minsang sumama ako kay tatay sa pamamasyal . Bali ang kaniyang isang paa kaya inalagaan ko siya at tinuruan ng ibat-ibang tricks . Madali siyang natututo at mabilis lumaki kaya gumawa kami ni tatay ng kanyang bahay . Isang araw pinakawalan ko siya . Labis ng aking pagtataka dahil ayaw niyang lumipad palayo.Paikot-ikot lang siya sa paligid ng kanyang bahay habang umaawit ..
Subukan Mo!. Panuto : Piliin sa letra ang tamang sagot :.
2. Bakit pinangalanang Treksi ? a. apat ang kulay ng kanyang balahibo b. tatlo ang kulay ng kanyang balahibo c. lima ang kulay ng kanyang balahibo ..
3. Saan nila natagpuan si Treksi ? a. sa gubat b. sa parke c. sa bukid.
4. Ano ang ginagawa ni Treksie upang malibang ang kanyang kaibigan ? a . sumasayaw b. umaawit c. umiiyak.
5. Bakit hindi lumipad palayo si Treksie ? a. gusto niya ang kanyang bahay b. ayaw iwan ang kaibigan c. malulungkot siya.
Ano ang talata ?. Explain:.
Explain:. Talata – ito ay binubuo ng isa o lipon ng mga pangungusap na magkakaugnay . Ito ay binubuo rin ng pangunahing paksa at pantulong na detalye ..
Ano naman ang paksa ?. Explain:.
Paksa – ito ay tumutukoy sa tema ng talata o tema ng tula na binibigyan ng pokus o tuon sa akda o pangungusap ..
Elaborate:. Panuto : Ibigay ang paksa ng talata na iyong binasa.
Watawat Ang ating bandila ay may tatlong kulay , Pula ang sagisag ng katapangan , Puti naman ay kalinisan , At bughaw ay kagitingan ..
Mga Tanong :. 1. Ano ang paksa ng tulang ito ? a. Tatlong kulay b. Ang ating bandila ay may tatlong kulay c. Bughay ay kagitingan . 2. Ilang kulay meron an gating bandila ? a. Dalawa b. Isa c. Tatlo.
Mga Tanong :. 3. Ano ang tema ng tula ? a. Kalinisan b. Sagisag c. Watawat , ating bandila.
Isaisip. Ang paksa ay ang bahagi ng akda o pangungusap na binibigyan ng pokus o tuon sa akda o pangungusap . Ito ay kadalasang matatagpuan sa unang talata sa sanaysay at unang saknong sa tula . Subalit , minsan ay makikita rin sa gitna o hulihang bahagi ng talata at tula ..
Ito ay ang binibigyan ng pokus o tuon sa akda o pangungusap na. Ito ay ang paksa ..
Evaluate. Panuto : Basahin ang talata at ibigay ang paksa ..
Iyan si Trexie , ang alaga kong ibon . Maganda at matalinong ibon . Tatlo ang kulay ng kanyang balahibo may pula, berde at azul kaya tinawag ko siyang Treksi ..
2. Paksa :_______________________________________.
3. Paksa :_______________________________________.
4. Paksa :_______________________________________.
5 . Paksa :_______________________________________.
Extend. Karagdagang Gawain:. Panuto : Ibigay ang paksa ng talata at tula ..
Maraming Salamat!!.