IKAAPAT NA MARKAHAN (Unang VCE). Mahahalagang Paalala: Ang pagpupulong na ito ay irerekord ng guro upang mabalikan ng mga mag- aaral na hindi makadadalo. Ilahad sa chatbox ang huling GT#/ SA# na naisagawa. Panatilihing naka- on ang kamera sa oras ng talakayan upang higit na makilala ng guro at makita ang aktibong pakikiisa..
Mapagpalang araw!. Ang lahat ay pinaaalalahanan na: Ang pagpupulong na ito ay recorded. Itala ang mahahalagang datos na bahagi ng talakayan na may kinalaman sa SA. Inaasahan ang aktibong pakikinig at pakikiisa ng lahat para sa matagumpay na talakayan..
Panalangin.
Layunin. Nababalikan ang mga dating kaalaman ukol kay Gat Jose Rizal..
Pagsubok!. zztztniD. https://quizizz.com/join. https://quizizz.com/join.
Ika apat na Markahan. Oryentasyon Unang linggo Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere ikalawang linggo Mga Tauhan sa Nobela ikatlong linggo- paghahanda ikaapat na linggo- presentasyon Mahahalagang Pangyayari sa Noli ikalimang linggo Muling pagtalakay ng Sa4 ikaanim na linggo.
Hamon:. Bumuo ng isang liham bilang tugon sa natanggap na liham mula kay Rizal. Dito ay inaasahang maipaliwanag at mailahad ninyo ang inyong opinyon kung paano nakatutulong ang nobela ni Rizal sa pagpapayaman ng kulturang Asyano..
Paghambingin ang kabataan noon at ngayon. Paano mo gagampanan ang iyong tungkulin sa lipunan upang makatugon sa ideolohiyang “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”?.
Para sa Mahal kong mga Kabataan, Higit 300 dantaon na ang lumipas ng aking isulat ang una kong nobelang “Noli Me Tangere” na nangangahulugang Huwag mo akong Salingin. Hinango ko ito sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista na mababasa sa Bibliya. Ang nobelang ito ay pumapaksa sa pang-aabuso ng mga Kastilang mananakop sa bayan. Angkop ang aking naging pamagat sa nilalaman ng nobela dahil makikita rito ang rebolusyon at kalayaan na nais kong makamtan.Gamit ang aking nailimbag na aklat, buong tapang akong sumalang at naglantad ng kabuktutan ng simbahan at pamahalaan. Naniniwala ako na ang “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan” na siyang magpapatuloy ng aking pinaniniwalaan at ipinaglalaban. Kamusta na nga ba ang mga kabataan sa kasalukuyang panahon? Sila pa rin ba ang kabataang Pilipino na aking inaakala? Bunga nito nais kong marinig/mabasa ang inyong paghahambing sa kabataan noon at ngayon. Sa gayon ay aking malaman kung akma pa ba ang aking ideolohiya at adhikain para sa bayan. Nais ko rin sanang malaman kung makakatulong pa rin ba ang aking akda sa kasalukuyang panahon? Hinihiling kong maipaliwanag mo sa akin ang epekto ng aking akda sa pagpapayaman ng kulturang Asyano. Sa kabila ng ating malayong agwat, ano ang maipapangako mo at maaari kong asahan sa iyo matapos mong maipakilala sa akin ang isang kabataang moderno at higit na bihasa sa paggamit ng teknolohiya? Sa huli, ako ay mayroon pa ring matibay na paniniwalang ikaw at ikaw pa rin ang aasahan ng iyong bayan na dumanas ng maraming hirap at pighati makamtan lamang ang kaniyang inaasahang kasarinlan. Nagmamahal, Jose Rizal (Dimasalang ).
Para sa Minamahal na Bayani, Mapagpalang buhay! Tunay na mapalad ang isang kabataan na tulad ko sapagkat ang iyong akda ay nag-iwan sa akin ng napakaraming aral sa buhay at nagbigay inspirasyon sa akin upang lalong magpursige sa aking buhay bilang isang kabataang Pilipino. Kaugnay ng inyong mga tanong, buong puso ko po na ipinagmamalaki ang aking saloobin sa mga bagay na ito. Bilang makabagong kabataan ang ideolohiya at adhikain sa bayan ay aking magagampanan sa …. Ang inyong akda Noli Me Tangere ay naging instrumento sa akin upang makita ang isyung…..Nakita ko na ang solusyong angkop upang mapagyaman ang ating kultura ay….. Ang aking kasanayan sa paggamit ng makabagong teknolohiya ay aking magagamit at maibabahagi sa aking kapwa Pilipino sa pamamagitan ng….. Naniniwala po ako na mananatili akong kabataang tutugon bilang isang pag-asa ng bayan mula sa inyong malinaw na paggabay. Nagmamahal, Andres Jacinto G9-13.
Mamahalin mamahalin ko kahit na ay hindi akin, rin dinanas. ay.
Takdang Aralin. Basahin at unawain ang kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere. Gamitin ang LibDS sa Canvas (Worldbook Online- choose “Advanced Grade9- search “Noli Me Tangere”- choose “Rizal Jose”) upang makapagbasa ng ilang mahahalagang impormasyon para sa awtor ng nobela..
Katanungan/ Paglilinaw Kaugnay ng SA.