TSISMISAN

Published on Slideshow
Static slideshow
Download PDF version
Download PDF version
Embed video
Share video
Ask about this video

Scene 1 (0s)

TSISMISAN.

Scene 2 (6s)

ANO NGA BA ANG TSISMISAN. Ang tsismisan ay isang gawaing pang komunikasiyon na bahagi narin nang kulturang Filipino sa katunayan ang gawaing ito ay makikita sa bawat barangay nang ating bansa . Tila ang gawaing ito ay hindi na maiaalis sa kulturang Pilipino at ang gawaing ito ay hindi na maiaalis sa bawat Filipino na kung tawagin ay tsismosa at tsismoso . Ayon nga sa kanta ni rico blanco ‘ tsismis mula Luzon, visayaz at Mindanao, tsismis sa paaralan o maging sa daanan ..

Scene 3 (30s)

ANO BA ANG TSISMISAN. Ang tsismisan ay batay sa etimolohiya nito , mula ito sa salitang tsismis na nagmula sa salitang espanyol na chismes na tumutukoy sa isang kaswal na kumberasasyon tungkol sa buhay nang ibang tao na ang mga impormasiyon ay maaring may katotohanan ngunit kadalasan ay hindi makatotohanan . Ito ang binubuo nang dalawa o higit pa na mga kalahok na ang isa ay tagapakinig at ang iba ay may kaniya kaniyang tsismis na dala . Karaniwan ang mga tsismosa at tsismoso ay mga taong walang trabaho o kaya naman may maluwag ang oras para makapag tsismisan ..

Scene 4 (56s)

KANINO BA DAPAT TAYO MAGHAYAG NANG ISANG TSISMIS.

Scene 5 (1m 11s)

REGALA AT CASTRONUEVO(2015). Nabuod nila na ang tsismis ay may kakayahang magbigay nang imporamasiyon sa mga tao sa negatibo at positibong pamamaraan . Ang tsismis ay maituturing impormal at may tendensiya na mag sanga-sanga ang usapan . Sa kabuuan ang tsismis ay instrument sa pagtatamo nang grupo , libangan , pamsaya at pampalipas oras ngunit sa isang umpukan nang tsismosa at tsismoso hindi mawawala ang isang biktima na siyang laman at pakay nang isang pinag tsismisan . At ang tsismisan ay may may isang individwal na siyang nagsisilbing Bangka nang usapan.

Scene 6 (1m 35s)

SA KAYSAYAN NANG PILIPINAS. Ay hindi rin nakaligtas ang ating mga bahyaning si andres bonifacio sa ganitong kultura nang mga Pilipino sa katunayan ayon kay Francisco Camacho(2017) inapo ni andres bonifacio hindi totoong war freak o mainitin ang ulo nang nasabing bayani na maaaring itoy sinabi at pinalaki lamang sa pamamagitan nang tsismis . Sa katunayan at katotohanan ang bayaning si andres bonifacio ay mapagkukumbabang tao.

Scene 7 (1m 54s)

P inasubalian din ni prof. XIAO CHUA (2017) tsismis na hindi marunong nang maayos ang bayaning si andres bonifacio na maaaring gawa gawa lamang ito nang mga kalaban sa politika . At sa katotohanan ay maayos magdamit ang bayaning si andres bonifacio patunay rito ang pagiging actor sa teatro.

Scene 8 (2m 9s)

Ano nga ba ang tsismis , tunay bang masama ito , paano nga ba ito dapat tingnan.

Scene 9 (2m 32s)

Ayon kay dr frank MCandrew (2008) makakabuting tingnan ang tsismis bilang bahagi nang kakayahang makihalubilo at hindi isang kakulangan at diprensiya . Napapahamak lamang ang tao kung wala siyang kakayahan na gawin ito sa epektibong pamamaraan . Sa katunayan ang ang pagbabahagi nang isang imporamasiyon sa isang tao ay tanda nang tiwala at pagkakaisa nang idang grupo ng mga tsismosa at tsismoso . Ang tsismis rin ay nagsisilbing instrument para maipabatid at malamang ang katotohanan.

Scene 10 (2m 52s)

MGA MAGAGANDANG DULOT NANG TSISMIS. Sa kuwentong pakikiapid . Kung hindi dahil sa tsismis ay hindi malalaman nang isang babae na may pinagtutuunan na palang iba ang kaniyang mister at sa madaling salita si mister ay nangangaliwa bunga nito nahihinto ang maling Gawain nang isang lalaki Nagsisilbi den ang tsismis bilang ningas upang imbestigahan ang mga impormasiyong kumakalat laban sa mga politikong Pilipino na gumagawa nang katiwalian sa sinumpaang tungkulin.

Scene 11 (3m 12s)

Wika nga kasi ‘ walang usok kung walang apoy ’ Naging mahusay ang mga Pilipino sa ganitong Gawaing pang kumunikasiyon bunga nang katagiang Mapaniwalain ( gullible ) Palakaibigan ( friendly ) Kolektibo ( collective).

Scene 12 (3m 23s)

Sa kabila nang mga positibong dulot nang tsismis dapat maging malinaw ang mga kalahok sa ganitong Gawaing pang kumunikasiyon na maging responsible at lagging maghatid nang makatotohang impormasiyon at ilayo ang tuon sa paninirang puri at reputasiyon nang iba dahil sa bawat tsismis na ating dala meron parating biktima.

Scene 13 (3m 38s)

Sa kasalukuyang panahon. Gamit ang modernong teknolohiya nagkakaroon na rin na tinatawag nating online tsismis tsismi na nabubuhay sa kapangyarihan nang modernong teknolohiya . Ngunit iba ang online tsismis kung sa tradisyonal na pamamaraan ay maaari nating itanggi ang argumentong ating sinabi at mga maling impormasiyon na ating pinakalat sa online tsismis ay maaari itong idokumento at maging batayan sakaling magtaksil ang kausap lalo na kung ang impormasiyon ay pawing kasinungalingan at walang bahid nang katotohanan na likha lamang nang makakati at mapanirang dila.

Scene 14 (4m 0s)

Hindi masama ang mang tsismis bilang bahagi nang pang kumunikasuyon ngunit tayoy maging maingat sa mga imporamasiyong ating bibitawan at lagi natin isaalang alang nag kapanan nang iba . Dahil sa tsismis kung ang ating intensiyon ay sirain ang reputasiyon nang iba ay maigi na huwag lamang natin na ituloy ngunit kung ang intensiyon ay pagmamalasakit sa iba ay gamitin sa epektibong pamamaraan dahil sa bawat tsismis ay mayroon parating biktima.