PowerPoint Presentation

Published on Slideshow
Static slideshow
Download PDF version
Download PDF version
Embed video
Share video
Ask about this video

Scene 1 (0s)

111 11. ARALIN 2.

Scene 2 (6s)

Visayas. SAMSAN TECH 24 HOUR SOFTWARE.

Scene 3 (13s)

Ang Barotac Nuevo ng iloilo Sining at Kultura ng Aklan Tribung Tagbanua Ang Pista ng Pintados Ilang Tribu sa Visayas.

Scene 4 (26s)

2.1 ANG ISLA NG SIQUIJOR :. Ayon kay Tikos ang islang ito ay nadiskubre ni Esteban Rodriguez sa ekspidasyon ni Legaspi noon 1565. 1854 hanggang 1892 ay nasa pamamahala ito ng bohol at nagging probinsya ng Negros Oriental noong 1892. Naging ganap ng probinsya ang Siquijor noong Setyembre 17, 1971 sa pamamagitan ng Republic act no.6398 (AN ACT SEPARATING THE SUB-PROVINCE OF SIQUIJOR FROM THE PROVINCE OF ORIENTAL NEGROS AND ESTABLISHING IT AS AN INDEPENDENT PROVINCE .).

Scene 5 (53s)

Ito ay bahagi ngayon ng rehiyon 7 na may 6 na bayan . Ang anim na bayan ay ang mga sumusunod :.

Scene 6 (1m 37s)

Pagsasaka at pangingisda ang kanilang pangunahing hanapbuhay sa naturang isla . Ugali ng Siquijodon ang pagiging masipag,mabait,matulungin,mapagkakatiwalaan , at may malasakit sa kapwa ayon sa obersbasyon ng mga mananaliksik ..

Scene 7 (2m 0s)

Ilan sa mga Paniniwala at Kaugalian ng mga Siquijodon ay ang mga sumusunod : Pag-iwas sa Pagbubuntis Pag-aalaga at Pagdidisiplina sa Anak Mga Batas at Tradisyon sa Panggagamot Mga Gamot at Paniniwala sa Sakit Kapangyarihan ( Gahum )/Anting-anting.

Scene 8 (2m 15s)

Pag-iwas sa Pagbubuntis Ayon kay Sopio Sumalpong , maiiwasan ang pagbubuntis sa pamamagitan ng paggamit ng lumay ( gayuma ). Nagagawa ito kapag isinisinturon ang buyo malapit sa puson para hindi mabuo ang bata . Kilala ang buyo sa Ingles bilang betel leaf pepper at ikmo naman sa Tagalog ..

Scene 9 (2m 47s)

Mga Gamot at Paniniwala sa Sakit N aniniwala pa rin ang mga Siquijodnon sa tradisyonal na paraan ng gamutan . Mas mainam pa rin para sa kanila ang mga inireresetang halamang gamot ng mga albularyo dahil sa kabisaan at kapuruhan ng mga ito ..

Scene 10 (3m 15s)

2.2 Sulyap sa Kasaysayan at Kalingan ng Cebu. Sa Kabisayaan matatagpuan ang Cebu na ang umiral na wika ay Sebwano na kahawig ng wikang ginagamit ng mga karatig-pook nito tulad ng Bohol, Negros, Siquijor , atbp . Ang mga Cebuano ay masasabing mga saling-angkan ng Malay na naninirahan sa Pilipinas bago dumating ang mga Kastila . Sa kanila nakita ang unang lakas na pagtatanggol ng kanilang karapatan laban sa panlulupig ng mga dayuhan . Istorya ni Lapulapu at ang kasaysayan ng Kristyanismo sa pilipinas : https ://www.youtube.com/watch?v=1qItd6xAa34.

Scene 11 (3m 42s)

Mga Kaugalian sa Sinusunod ng mga Cebuano sa Pag-aasawa.

Scene 12 (4m 11s)

Ang tinatawag na Bugay : ito ay tinatawag na dowry. Ang mga sumusunod ay siyang kalimitang hinihingi ng mga magulang ng nobya sa magulang ng nobyo . Ang pagbibigay-habdog : pagbibigay-handog sa bagong kasal ay naging kagawian na ng mga kamag-anak , bisita , at kaibigan na dumadalo sa araw ng kasal . Ang mga regalong ibinigay ay tanda ng kanilang paghahangad ng isang mahusay na pamumuhay at maligayang pagsasama ng mga bagong kasal ..

Scene 13 (4m 33s)

Ang mga dalaga’t binata sa pook na ito ay nararapat na dumaan muna a mga sumusunod bago magpakasal :.

Scene 14 (4m 59s)

2.3 Ang Barotac Nuevo ng Iloilo. . Barotac hango sa katutubong salitang ang ibig sabihin ay maputik at dinugtungan ng Nuevo upang mapaiba sa isa pang bayang ang pangalan naman ay Barotac Viejo..

Scene 15 (5m 26s)

Ang mga Barotaknon ay nabubuhay sa pagbubukid dahil ang bayang ito ay may isang sentral ng asukal . Halos lahat ng mga katutubo sa bayang ito ay sa titik b nagsisimula ang mga apelyido nila gaya ng Barrido , Bayoneta , at baylosis . Ang kapistahan ng bayang ito ay tuwing ika-13 ng Hunyo sa karangalan ng patrong si San Antonio de Padua at Tatlong araw ang itong pagdiriwang . Ang wika ng mga llonggo ay Hiligaynon. Ang Hiligaynon ay may varayti depende sa bayan ng Iloilo. Karay -a ang isa sa mga dayalekto ng Hiligaynon na may pinakamaraming tagapagsalita ..

Scene 16 (5m 52s)

Mga Pamahiin , Paniniwala , at kaugalian ng mga Ilonggo.

Scene 17 (6m 14s)

Tungkol sa Pagdadalan-tao Huwag pagtatawanan ang bulag , sungi , o duling at baka sa ganito ay magkakaroon ng kapansanan ang magiging anak . Huwag paglihian ang mga santo at santa dahil baka mapipi ang magiging anak . Hindi rin mabuting paglihian ang manyika sa gayong kadahilanan din.

Scene 18 (6m 39s)

Tungkol sa Pagliligawan , Pagnonobyo , Pag-aasawa Pinaniniwalaan na kapag umaawit habang nagluluto sa harap ng kalan ang isang dalaga , ang mapapangasawa niya ay isang matandang tila lolo na siya . Ang paghaharap sa nagtatahip ng bigas ay magbubunga ng pagkakapag-asawa sa isang matanda ..

Scene 19 (7m 5s)

Tungkol sa Panahon at mga Elemento Kapag ang isang ibong tinatawag na kanuyos ang makitang napunta sa hilaga , nangangahulugang may bagyo sa timog ; kung ito ay patimog , ang bagyo ay nasa hilaga . Kapag nakita ang ilang mga bituing tila wari'y patungo sa buwan , ang ibig sabihin ay may bagyong darating ..

Scene 20 (7m 33s)

Kapistahan at Kasayahan. Pasungay (bullfight) tuwing ikalawang Sabado ng Enero idinaraos ang pasungay (bullfight) sa lugar ng San Joaquin, Iloilo. Ang Pasungay ay bahagi ng kapistahan ng bayan ng San Joaquin. Ang mga maglalabang toro mula sa mga kabayanan at kalapit na lugar ay pinipili . Sa ising arena sa burol ay naghahamok ang mga toro hanggang sa ang is. ay mapagod o di kaya ay tumakbo.

Scene 21 (8m 6s)

Kapistahan ng Nuestra Senorade la Candelaria sa Jaro Idinaraos ito tuwing Pebrero 2. Ito ang pinakamarangya at pinakamalaking pagdiriwang na panrelihiyon sa Kanlurang Bisaya . Kinoronahan noong 1981 ng Santo Papa Juan Pablo II, ang Mahal na Birhen ng Kandila at pormal na ipinahayag na Patrona ng Kanlurang Bisaya . Ang pagbabasbas ng mga kandila nga may iba't ibang laki , anyo at kulay at ang taunang pagpruprusisyon sa Patrona na sinusundan ng reyna ng pista at ng kanyang korte ay nagbibigay-tampok sa pagdiriwang . Ang pista ng Jaro ay okasyon na rin ng pagtatanghal ng mga agro-industrial exhibits, garden shows, koronasyon ng reyna ng karnabal , at ng Grand Cock Derbies..

Scene 22 (8m 49s)

Ang pagtaltal sa Guimaras Tuwing Biyernes Santo. Isang pangkuwaresmang pagtatanghal sa Jordan, Guimaras na hinango sa bantog na dula ni Oberammergau sa Timog Bavaria, Alemanya . Ang karanasan ay paglalakip ng pananampalataya at kulturang poklorika ..

Scene 23 (9m 12s)

2.4 A ng S ining at K ultura ng Aklan. . Ang Ati-Atihan ay isang napakasayang pagdiriwang na pinagkakapuri ng mga Aklanon bilang bahagi ng kanilang kultura . Ito ay ginaganap taun-taon tuwing buwan ng Enero sa mga bayan ng Kalibo , Ibajay , Batan , Makatao , at Altayas . Ang salitang Ati-Ati ay nangangahulugan na " gaya ng mga ati ," ang maiitim na mga unang tao ng Panay, kaya't ang lumalahok sa pagdiriwang na ito ay karaniwang nagpapahid ng maitim na uling . Ang pinakamahalagang bahagi ng pagdiriwang ay ang prusisyon na karaniwang nagsisimula sa ganap na ika-5 ng hapon sa huling araw ng pagdiriwang ..

Scene 24 (9m 43s)

Maikling Kasaysayan ng Aklan. Ang kasaysayan ng Aklan ay nagsimula pa noong ika-13 siglo nang dumating ang isang pangkat ng mga sultan na galing sa Borneo . Ang pangkat ay binubuo nina Raha Sumakwil , Bankaaya , Paiburong , at Datu Puti na siyang pinakapuno . Binili nila ang Panay sa Hari ng mga Ati na si Haring Marikudo sa pamamagitan ng isang gintong salakot at isang gintong kuwintas ..

Scene 25 (10m 4s)

Isang konpederasyon ang binuo at ito'y tinawag nilang " Katilingban ni Madyaas " na binubuo ng tatlong lalawigan : Irong-Irong ( ngayon ay Iloilo), Hamtik ( Antique), at Aklan ( Aklan ) sa pamumuno ni Raha Sumakwel . Ang pinakapuno ng lalawigan ng Aklan ay si Raha Bankaaya . Ginawa niyang kabesera ang Madyaos ( ngayon ay Marianos , Numancia ) at noong 1213, ang lalawigan ng Aklan ay maayos na binuo ..

Scene 26 (10m 24s)

Nang namatay si Bankaaya , marami ang pumalit sa kanya . Ang mga ito ay ang anak niyang mga lalaki na si Datu Paiburong , Datu Balinganga , Balinsosa , at Dagu -ob . Si Daguob ay nagtatag ng kaniyang sariling pamahalaan sa Capiz , at nang siyay mamatay , pinalitan siya ni Hagnaya . Ang nagsipalit naman sa kanya ay sina Datu Alimbukod , Balit , Sapi , Kalitnan , at ang Pagbuhaw i . Ang pinakahuling datu na namuno sa Capiz ay si Dinagandan na kung saan iniurong niya ang kanyang pamahalaan sa Aklan sa bayan ng Batan ..

Scene 27 (10m 51s)

2.5 Ang Pista ng Pintados. . 1668 - dumating ang mga Espanyol sa Visayas at natagpuan nila ang mga babae’t lalaki na puno ng tatu (tattoo) ang mga katawan . Tinawag silang Pintado s . 1888 - Dinala ng mga misyonaryong Espanyol ang imahe ng batang Jesus, na kilala bilang " El Capitan ," sa Pilipinas . Maganda ang pinagmulan nito kaya nakuha agad ang debosyon at pagsamba ng mga katutubo ng Leyte sa Santo Niño , 1986 - itinayo ang Pintados Foundation, Inc . ng mga negosyante at mangangalakal sa Tacloban . Sinimulan nilang mag- organisa ng mga aktibidad para sa pista ng lungsod na parangal kay Señor Santo Nio . Dito nagsimula ang Pista ng pintados , na unang pinagdiwang noong Hunyo 29,1987 . Ngayon ay tinatawag itong pista ng Pintados-Kasadyaan , na binansagang " 'Festival of Festivals .".

Scene 28 (11m 27s)

Ang Pista ng Pintados ay tinatawag ding Pista ng Pintados-Kasadyaan . Ito ay sang masayang pagdiriwang na tumatagal ng isang buwan , kung kailan din ginaganap ang Leyte Kasadyaan Festival of Festivals , isang Pintados Festival Ritual Dance Presentation , at ang Pagrayhak Grand Parade . Ang mga pagdiriwang na ito ay sinasabing nagmula sa Pista ni Señor Santo Niño tuwing ika-29 ng Hunyo . Ipinagdiriwang ng mga taga -Leyte ang nasabing pista sa isang bukod-tangi at makulay na pamamaraan . Sinimulan ni dating Gobernador Remedios Loreto- Petilla , ang pagdiriwang ay unang ginanap noong ika-12 ng Mayo, 1996 ang Leyte Kasadyaan Festival of Festivals . Ang mga pista ay hindi laging ginaganap tuwing ika-29 ng Hunyo dahil sa unang tatlong taon ay nangyari ito sa magkakaibang petsa . Noong 1999 lamang ito opisyal na itinakda sa araw ng Hunyo 29, ang Pista ni Señor Santo Niño de Leyte . Kasadyaan – Diyalektong Bisaya na nangangahulugang katuwaan at kasiyahan . Pintados – mula sa mga katutubong mandirigmang puno ng tatu ang mga katawan ..

Scene 29 (12m 9s)

2.6 Ilang tribu sa Visayas. . Tribung Sulod matatagpuan sa bulubundukin ng Capiz , partikular na sa munisipalidad ng Tapaz . mula sa tribung Mundo , isang etnikong grupo mula sa Indonesia na lumipat mula sa Mainland Asia at nanirahan sa mga bundok ng Panay nang ilang dantaon . Mula sa pangalang " mundo ", napalitan ang kanilang pangalan ng Bukidnon na kalunan ay naging " Sulod " na nangangahulugang "closet" o " troom ". Nagsasalita sila gamit ang kombinasyon ng diyalektong Kiniray -a at Hiligaynon. Madalas sa mga ito ay monolinggwal.

Scene 30 (12m 35s)

N atatanging paniniwala , tradisyon , at uri ng pamumuhay ..

Scene 31 (13m 11s)

2.7 Tribung Tagbanua. . Inilipat ang Palawan mula sa Region IV (Luzon) at naging bahagi ng Region VI ( Visayas ) noong May 23, 2005 batay sa EO 429. Maraming tribu ang nananahan sa islang ito kabilang ang tribung Tagbanua . Ang mga miyembro ng tribung Tagbanua ay napabibilang sa pinakaunang naninirahan sa isla ng Palawan at sa nakapaligid na isla nito . Lumabas sa resulta ng ilang pananaliksik na mula sila sa mga taong Tabon ilang libong taon na ang lumipas . Ang kabuuang bilang ng mga Tagbanua ay bumababa sa kasalukuyan . Mula 129,691 na mga miyembro noong 1987, 10,000 na lamang ang natitira sa kasalukuyan ..

Scene 32 (13m 43s)

May pinaniniwalaang tatlong salin ng katawagang Tagbanua.

Scene 33 (14m 0s)

Ang mga Tagbanua sa gitnang bahagi na tinatawag ding Sentral Tagbanua at naninirahan sa silangan at kanlurang baybayin ng Palawan, lalong-lalo na sa bahagi ng Puerto Princesa , Quezon, at Aborlan . Ang mga Tagbanua sa kanlurang bahagi - na kilala rin bilang Calamian Tagbanua at naninirahan sa arkipelago ng Calamian, lalong-lalo na sa isla ng Coron at Busuanga , at munisipalidad ng El Nido ..

Scene 34 (14m 24s)

Tradisyon Tradisyon ng Tagbanua ay ang paggawa ng basket na may iba’t ibang disenyo at ginagamit nila sa pag-aani . Maliban dito , mayroon din silang mga hayop na nilililok sa kahoy . Ang mga hayop na ito ay may seremonyal na gamit-nagsisilbing kontak sa mga espiritu sa iba't ibang ritwal . Mahilig din sa musika ang mga Tagbanua . Mayroon silang ibat ibang instrumentong sila lamang ang may gawa at ginagamit nila sa pagsamba at sosyal na pagtitipon . Ang mga ito ay ang :.

Scene 35 (14m 50s)

Mayroon din silang ibat ibang sayaw na madalas nakapaloob sa mga ritwal . Ang mga ito ay ang mga sumusunod :.

Scene 36 (15m 17s)

May tatlong social class ang komunidad ng Tagbanua : Upper class. Dito galing ang mga lider at ito ay namamana . Middle class na kinabibilangan ng mga ordinaryong mamamayan . Pinipili mula rito ang mga lokal na lider . Binubuo ng mga taong may utang na hindi na nila kayang bayaran.

Scene 37 (15m 47s)

SAND BOX Visayas Heron Kriz Winters MEMBER. No description available..

Scene 38 (15m 56s)

Maraming Salamat. T H E. E N D.