Ang Sining ng Pagbasa.
Kung paano natin bigyan ng buhay ang ating binabasa , at kung paano natin maipapasok ang sining ng pagbasa . May mga layunin ang pagbasa ..
Paghahanda sa pagbasa Paghawan ng sagabal Iba’t ibang estilo ng mga mag – aaral sa pagbasa ..
Halimbawa : Kumakain , nakahiga , nakikinig sa musika , nakikipag – usap sa telepono ..
Sagabal sa Pagbasa. 5. Man Listening to the Radio clipart. Free download transparent .PNG | Creazilla.
b. Angkop na lugar para sa pagbasa Silid – aklatan – abot tanaw ang sanggunian , sa bahay na may personal na silid – aklatan , magkulong sa kwarto ..
c. Pagpokus ng Atensyon Bilang paghahanda at pagtamo ng mga mabisang pamamaraan sa pagbasa ng materyales na teksto , ugaliing magbasa nang tuloy – tuloy hawak ang binabasa , kapag nasimulan , tapusin kung maaari ..
d. Pamilyarisasyon sa Teksto Bago basahin ang teksto , na kadalasan ay sanaysay , maging pamilyar sa paksa nito . Basahin ang pamagat nito at alamin kung sino ang may – akda nito . Kung may pagkakataon at sa palagay ay mahalaga para sa lubos na pag – unawa ng teksto , alamin ang mga impormasyon o tala tungkol sa manunulat ..
Kritikal na Pagbasa. Free Critical Thinking Cliparts, Download Free Critical Thinking Cliparts png images, Free ClipArts on Clipart Library.
Ito ay bahagi ng proseso ng pagsasama – sama ng dati nang alam sa kasanayan sa pag – unawa at kaalaman sa teksto upang makapagsagawa ng mga katanungan ..
Ang kakayahang makagawa ng mga katanungan upang mabatid ang kahulugan ng teksto . Ang kakayahang masubok ang mga katanungan tungkol sa kahulugan sa pamamagitan ng mga pamamaraan ng lohika at makatwirang pag – iisip ..
Ang mga sumusunod na kasanayan ay mahalagang maunawaan sa proseso ng kritikal na pagbasa :.
1. Ang pagpapaubaya na mabitin ang paghusga tungkol sa kahulugan ng sapat na impormasyon upang makabuo ng makabuluhang desisyon ..
2. Ang kakayahang makagawa ng mga katanungan upang mabatid ang kahulugan ng tekstong binasa ..
3. Ang kakayahang masubok ang mga katanungan tungkol sa kahulugan sa pamamagitan ng mga pamaraan ng lohikal at makatwirang pag – iisip ..
4. Ang kakayahang magtaya o mag – ebalweyt sa kahulugan ng tekstong nabasa batay sa makatuwirang pag – iisip at personal na karanasan ..
ANG MGA PATERN SA PAGBASA. 17.
Patern o uri ng pagbasa ang tawag sa mga Teknik ng pagbasa ..
1. Iskiming. Teknik ng pagbasa nang madalian para magkaroon lamang ng impresyon sa materyal kung dapat o di – dapat basahing mabuti ; gayundin kung hangad makakuha ng pangkalahatang ideya hinggil sa nilalamang impormasyon ng material; ang pokus ay wala sa detalye kundi sa pangkalahatang kaisipan ..
Hakabang sa Pag-iiskiming. . 20. Best of TLNT 2017: The First 4 Steps to Creating a Great Company Culture – TLNT.
a. Prebyuwing. - pag – iisip ito bago magbasa ng mga inaasahang isyu tungkol sa paksang sasaliksikin ..
b. Sarveying at Overbyuwing. pagtingin sa iba’t ibang bahagi ng aklat ang pagsasarvey para madetermina kung may kaugnayan o wala ang nilalaman ng material sa sinasaliksik na paksa ..
b. Sarveying at Overbyuwing. dagliang pagsasabuod ito ng mga kaisipang natunghayan sa ginawang pangkalahatang sarvey.
2. Iskaning. Isa rin itong mabilisang teknik ng pagbasa ; ispisipikong impormasyon tungkol sa isang babasahin ang partikular na hinahanap sa pag – iiskan ; madaling nagagawa ito kung maikli lamang , malalaki ang tipo ng pagkakalimbag at pamilyar ang materyal ; mahalaga ang iskaning kapag nagrerebyu na hindi kailangang basahin lahat ang detalye ..
3. Kaswal. Ito ang karaniwang pagbasang isinasagawa kung ang layunin ay palipasin lamang ang oras habang naghihintay nang hindi mainip ..
4. Komprehensiv. Intensiv o malalim na pagbasa ang teknik na ito ; iniisa – isa ang bawat detalye , walang pinalalampas sapagkat maituturing na isang malaking kawalan ; maingat , masinsin , matalino itong pagbasa sapagkat mahalaga sa lubos na pagkatuto ; sinusuri , pinupuna , kinukwestyon , binibigyang opinyon ,.
tinataya , binubuod , lahat – lahat na maaaring gawing paghimay sa materyal para lamang maintindihan itong mabuti ; masyadong matrabaho ; mapaghamon ng kakayahan , nakakapagod ngunit hindi matatawaran ang sukling karunungan nito ; ito ang teknik na napakaepektibo sa akademikong pagbasa ..
5. Kritikal. Tinatawag ding malikhain ang Teknik na ito ; layunin dito ang maging mapanlikha , ang makatuklas ng panibagong konsepto at magawan ito ng bagong porma na maiuugnay sa kapaligirang sosyal at kultural ..
6. Pamuling - basa. Muli’t muling pagbasa ng isang babasahin sapagkat napakalawak ng naibibigay na antas ng interpretasyon nito na hindi agad nakukuha sa minsang pagbasa ..
7. Basang - Tala. Teknik ng pagbasa na sinasabayan ng pagsulat ; kapag may nasusumpungang mahahalagang kaisipan o konsepto , itinatala ito , kaya’y minamarkahan.
8. Suring – Basa o Rebyu. Ito ay pagpapakilala ng isang akda ; isa itong maikling kritika na naglalaman ng pagsusuri at pamumuna ng isang akda o aklat para pahalagahan ang kabuuang porma at nilalaman nito ; hindi lamang simpleng pagbubuod kundi isa rin itong pagtataya sa mga katangian ng akda o aklat ;.
para epektibong magampanan ang pagsusuring – basa , maingat at masinsing busisiin ang buong akda , “cover to cover”, nang mapag – alaman nang husto ..
Indibidwal na Aktibidad. Ang bawat isa ay pipili ng isang akdang pampanitikan na gagawan ng isang SURING-BASA . Ilapat ito sa Powerpoint Presentation at iuulat sa naka-iskedyul na talakayan ..
Mga Akdang Pagpipilian. Ang Kalupi ni Benjamin Pascual Sandaang Damit ni Fanny Garcia Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute Walang Panginoon ni Deogracias Rosario Sandosenang Sapatos ni Luis Gatmaitan Sa Pula sa Puti ni Francisco Rodrigo Sa Bagong Paraiso ni Efren A bueg Bangkang Papel ni Genoveva Edroza-Matute.
Pormat ng Suring- Basa. Pagkilala sa May- akda Buod Tauhan Tem o Paksa Teoryang Pampanitikan Aral na Mahahalintulad sa totoong buhay.