Talaarawan ni Andres Bonifacio

Published on
Scene 1 (0s)

Talaarawan ni Andres Bonifacio

Ipinasa ni : RJ Abenia

Scene 2 (17s)

close up picture of stool

Nagsikap si Bonifacio na matuto sa sarili at naging palabasa .

Ang magkakapatid na Bonifacio .

Si Andres habang nagbebenta ng baston at abaniko sa patio ng simbahan

Unang pahina ng “ Casaysayan ; Pinagcasunduan ;

2

Mga pangyayaring naganap sa buhay ni Andres.

e; •18.4.

Scene 3 (35s)

Talaarawan ng Bayaning si Andres Bonifacio .

30 Nobyembre 1863— Isinilang si Andres Bonifacio sa Tondo , Maynila .  Panganay sa anim na magkakapatid .  Nag- aral sa ilalim ni Guillermo Osmeña na taga Cebu.

3

Scene 4 (45s)

Maagang 1895— Nahalal na Kataas-taasang Pangulo si Andres Bonifacio .  Muli siyang mahahalal sa 31 Disyembre  1895 at Agosto 1896 bago mabunyag ang lihim na samahan .

12 Abril 1895— Tumungo si Andres Bonifacio at mga kasama sa Kweba ng Pamitinan , Bundok Tapusi , sa Montalban , tila sumusunod sa yapak ng maalamat na Tagapagligtas ng mga Tagalog, si Bernardo Carpio , at sinasabing isinigaw at isinulat sa mga pader ng kweba ng Makarok sa pamamagitan ng uling , “ Naparito ang mga Anak ng Bayan, Hinahanap ang Kalayaan .  Mabuhay ang Kalayaan !”

Callout Graphic

4

Callout Graphic

Scene 5 (1m 0s)

Letterhead ni Andres Bonifacio , dokumento na nagtatalaga kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila .

Unang Sigaw ng Himagsikan .

Ang Pagsalakay ni Andres Bonifacio sa Pinaglabanan sa madaling araw ng August 30, 1896.

5

Scene 6 (1m 13s)

25 Agosto 1896— Sagupaan ng KKK at ng mga Espanyol sa Pasong Tamo malapit sa Bahay ni Tandang Sora , talunan ang mga Espanyol . 26 Agosto 1896— Sagupaan ng KKK at ng mga Espanyol sa Caloocan at Malabon , talunan ang mga Espanyol .

30 Agosto 1896— Madaling araw nang pangunahan ni Bonifacio ang pag-atake sa Polvorín , San Juan del Monte ( Ngayo’y Pinaglabanan ).  Nagkaroon ng sabay-sabay na pagsalakay sa buong lalawigan ng Maynila .  Hindi sumipot ang hukbo ng Cavite sa napagkasunduang pag-aalsa .  Ipinailalim ni Gob. Hen. Ramon Blanco ang walong lalawigan — Maynila , Bulacan , Pampanga, Nueva Ecija , Tarlac , Laguna, Cavite, at Batangas , sa ilalim ng Batas Militar ( Sinasagisag ng walong sinag ng araw sa ating bandila ).

6

Scene 7 (1m 25s)

Katipunan sa Cavite 31 Agosto 1896— Nagapi ni Hen. Artemio Ricarte ang mga Espanyol sa San Francisco de Malabon , Cavite.  Sinimulan ang pag-aalsa sa Cavite sa pangunguna ni Hen. Emilio Aguinaldo.

9-11 Nobyembre 1896— Pagtatagumpay ng Cavite laban sa mga Espanyol sa labanan sa Binakayan .  Gamit ng mga taga -Cavite ang Giyerang Pantrintsera sa Zapote at Cavite Viejo sa pangangasiwa ng inhinyero na nagtapos sa Ghent, Belgium na si Edilberto Evangelista na namatay sa Labanan sa Zapote noong 17 Pebrero 1897 .

7

Scene 8 (1m 35s)

1 Mayo 1897—Sa pagbagsak ng Naic sa mga Espanyol , lumipat sina Aguinaldo at ang kanilang mga bihag sa Maragondon , Cavite kung saan ipinagpatuloy ang paglilitis sa magkapatid na Bonifacio .  Hindi naisakatuparan ang pagliligtas sana sa Supremo na gagawin ng pangkat nina Diego Mojica.

10 Mayo 1897— Isinakatuparan ng pangkat ni Lazaro Macapagal ang kautusan ng   Consejo de Guerra   na barilin at patayin ang magkapatid na Bonifacio sa mga kabundukan ng Maragondon .  Ngunit ayon sa testimonya kay Guillermo Masangkay ng dalawa raw sa mga Katipunerong pumatay kay Bonifacio , binaril si Procopio pero tinaga raw hanggang mamatay si Andres Bonifacio .

Scene 9 (1m 45s)

22 Marso 1897—Sa kanyang kaarawan , nahalal   in absentia   si Emilio Aguinaldo bilang pangulo ng pamahalaang rebolusyunaryo sa Kumbensyon sa   Casa Hacienda   ng Tejeros ( Binalaan ni Diego Mojica si Bonifacio na maraming mga balota ang napunan na bago pa man ang halalan , ang ispekulasyon ay hindi pinansin ni Bonifacio ).

Nauna nang pumayag si Bonifacio na palitan ang Katipunan bilang pamahalaan sa pagkumbinsi ng kumbensyon basta anumang mapagkayarian ng kapulungan ay igagalang .  Ngunit nang tutulan ni Daniel Tirona ang pagkakahalal ni Bonifacio sa   consuelo de bobong   posisyon ng Direktor ng Interyor dahil siya ay walang pinag-aralan at hindi abogado ay nainsulto si Bonifacio , tinutukan ng baril si Tirona , pinawalang-bisa ang konseho bilang tagapangulo nito , at lumisan .

Scene 10 (1m 56s)

Maraming Salamat

blurred image of the city backdrop