[Audio] PAANO NGA BA NAGSIMULA ANG WIKANG PAMBANSA? Ang wikang pambansa ay ang wikang kumakatawan sa pagkakaisa at pagkakakilanlan ng isang bansa. Ito ang wikang ginagamit upang magkaunawaan ang mga mamamayan na may iba't ibang katutubong wika, at ito rin ang ginagamit sa pambansang komunikasyon, edukasyon, batas, at pamahalaan. Layunin ng Wikang Pambansa: 1. Pagkakaisa – Nagbibigay ng iisang wika para sa komunikasyon ng buong bansa. 2. Pagpapahayag ng Kultura – Nagsisilbing daluyan ng kasaysayan, panitikan, at damdaming makabansa. 3. Pag-unlad – Ginagamit sa edukasyon, midya, batas, agham, at teknolohiya. PETSA MGA BATAS Nobyembre 13, Ipinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na 1936 lumilikha sa Surian ng Wikang Pambansa na may kapangyarihan at tungkuling gagampanan. May mga kapangyarihan at tungkulin ang SWP: 1)Aralin ang mga wikang ginagamit sa Pilipinas, 2.) Mapatibay at mapaunlad ang mga umiiral na katutubong wika, at 3.) Pumili ng isang katutubong wikang may pinakamaunlad at pinakamayaman sa larangan ng panitikan at ginagamit ng mga nakararami. Enero 12, 1937 Hinirang ng pangulong Manuel L. Quezon ang mga bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa ayon sa Batas Komonwelt Bilang 184, Seksyon 1. Pito ang hinirang ng pangulong Quezon ngunit hindi nakaganap ng tungkulin ang dalawa, kaya't muling humirang ang pangulo ng mga dagdag na kagawad. Ang bumubuo sa Surian ng Wikang Pambansa ay nagmula pa sa iba't ibang kapuluan ng bansa. Nobyembre 9, 1937 Inilabas ng Surian ang resolusyon na ang Tagalog ang diyalektang nakatugon sa Batas Komonwelt Bilang 184, at siyang magiging batayan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Disyembre 30, Inilabas ang kautusang Tagapagpaganap bilang 134 na 1937 nagsabing ang batayan ng wikang Pambansa ay Tagalog. Abril 1, 1940 Ang Kautusang Tagapagpaganap bilang 263 ay ipinalabas ng Pangulong Quezon na nag-atas ng kapahintulutan ng pagpapalimbag ng diksyunaryong Tagalog-Ingles at gramatikang.
[Audio] aklat ng wikang Pambansa na may pamagat na Balarila para magamit ng mga paaralan sa buong bansa. Hunyo 19, 1940 Pagsisimulang ituro ang Filipino sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa. Lumabas ang Bulitin bilang 26 na nag-utos na ang lahat ng pahayagang pampaaralan ay dapat magkaroon ng pitak na pangwikang pambansa. Disyembre 30, Inilabas ang kautusang Tagapagpaganap bilang 134 na 1937 nagsabing ang batayan ng wikang Pambansa ay Tagalog. Panahon ng Ipinagtibay ang Batas Komonwelt Bilang 570 na nagtadhana Hapones na ang Filipino ay ang opisyal na wika ng Pilipinas. Hulyo 4, 1946 Marso 26, 1954 Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Bilang 12 na nagpatupad sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 28 hanggang Abril 4. Pebrero, 1956 Pagkatapos suriin ang salin sa wikang Pilipino ng Panatang Makabayan at Pambansang Awit, lumabas ang Sirkular 21, Serye 1956, na nag-uutos ng pagtuturo at pag-awit ng pambansang awit sa mga paaralan. Agosto 13, 1959 Nilagdaan ang Kautusang Pangkagawaran Bilang 7 ng naging Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon na nagsasaad na kailanma't tutukuyin ang wikang pambansa, ang salitang Filipino ay siyang gagamitin. Oktubre 24, 1967 Nilagdaan ang Kautusang Tagapagpaganap Bilang 96 ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, na nagtatadhana ang lahat ng mga gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan sa Filipino. Agosto 6, 1968 Nilagdaan ng dating Pangulong Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Bilang 187 na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino at lalo na sa panahon ng Linggo ng Wikang Pambansa, sa lahat ng mga opisyal na komunikasyon at transaksiyon ng pamahalaan. Pebrero 25, 1970 Lumabas ang Resolusyon 70 na nagtatadhana sa wikang pambansa o Filipino bilang wikang panturo sa antas ng Elementarya. Inuutos din ng naturang resolusyon sa lahat ng.
[Audio] kolehiyo at unibersidad.- pribado at publiko ang paggamit ng Filipino bilang panturo sa kursong Rizal, Kasaysayan ng Pilipinas at Pamahalaan. Maging mga salitang Ingles na gamit sa pangmamarka sa mga mag-aaral ay ipinasalin sa Filipino. Disyembre 1, 1972 Nilagdaan ng dating Pangulong Marcos ang Kautusang Panlahat Bilang 17 na ang Panukalang Saligang Batas ng 1972 ay lilimbagin sa Filipino at Ingles sa official gazette at sa mga pahayagang may malawak na sirkulasyon bago idaos ang plebisito para sa ratipikasyon ng Saligang Batas noong Enero 15, 1973. Hunyo 19, 1974 Nilagdaan ni Kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Bilang 25 na nagtadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang Edukasyong Bilingguwal sa mga paaralang magsisimula sa taong patakarang 1974-1975. Inilabas din ang Patakarang Bilingguwal sa Edukasyong Pilipino, ang paggamit ng Ingles at Filipino bilang midyum sa pagtuturo sa mga tiyak na aralin at hiwalay na asignatura sa kurikulum mula sa unang baitang ng mababang paaralan hanggang kolehiyo. Hulyo 21, 1978 Lumabas ang Kautusan ng Ministri ng Edukasyon na nagtatadhana ng anim na yunit ng Filipino sa lahat ng kurso sa kolehiyo at labindalawang yunit ng Filipino sa mga kursong pangedukasyon. May itinadhana ukol sa ating wika sa Saligang Batas 1987. "Seksiyon 6. Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino, Habang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika." "Seksiyon 7. Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang Opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga't walang itinatadhana ang batas, Ingles. Bilang mga opisyal na wika, may tiyak at magkahiwalay na gamit ang Filipino at Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal.
[Audio] sa mga rehiyon at magsisibing pantulong sa mga wikang panturo roon." Marso 19, 1990 Ipinalabas ng Kalihim ng Edukasyon na si Isidro Carino, ang Kautusang Pangkagawaran Bilang 21 na nagtagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa at katapatan sa Saligang Batas at sa bayan. Tagalog, Pilipino, at Filipino Narito ang ilang mahahalagang detalye; Ang Tagalog ay opisyal na ipinakilala ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ang tagalog bilang batayang Wikang Pambansa noong ika-30 ng Disyembre 1937 sa bisa ng kautusang tagapagpaganap Bilang. 134 at sinimulan itong ituro sa buong kapuluan noong 1940. Ang Tagalog ay isa sa mga katutubong wikang pinagbatayan ng pamabansang wika ng Pilipinas. Tinawag na Pilipino ang Tagalog noong ika-13 ng Agosto 1959, sa bisa ng kautusang pangkagawaran ng Edukasyon. Ipinalit ang Tagalog noong 1959 upang 1) mapawi ang isiprehiyonalista, 2) ang bansa nati'y Pilipinas kaya normal lamang na tawaging Pilpino ang wikang pambansa tulad ng mga pangunahing wika sa daigdig na kung ano ang bansa siya rin ang pangalan ng wika, 3) walang ibang katawagang maaaring ilapat sa Wikang Pambansnag Pilipinong batay sa Tagalog. Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas ayon sa Artikulo XV, seksiyon 3, talata 2 ng Konstitusyung 1973 ng Pilipinas. Ang Filipino ay katutubong wika na ginagamit sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Maituturing na ang wikang Filipino ay isang wikang dinamiko, naiiba, buhay at ginagamit. Sa Saligang batas ng 1987, Artikulo XIV, Sek.3 na naglalaman na, " Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika." Alinsunod sa mga tadhana ng mga batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika sa pagtuturo sa sistemang pangeduaksyon..
[Audio] Mga Inisyatibo ng mga Tagapagsulong ng Wikang Pambansang Filipino 1. Pagkakaroon ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) Pangulong Manuel L. Quezon Itinatag noong 1937 upang pumili ng batayang wika para sa wikang pambansa. Tagalog ang napiling batayan. Isa ito sa unang konkretong hakbang sa pagbubuo ng wikang pambansa. 2. Pagpapangalan sa Wikang Pambansa bilang "Pilipino" (1959) Jose Romero, Kalihim ng Edukasyon Nilinaw ang katawagan ng wikang pambansa na "Pilipino" upang maihiwalay ito sa Tagalog. Layunin: Pagtibayin ang pambansang pagkakakilanlan. 3. Pagpapatupad ng Linggo ng Wika at Buwan ng Wika Ramon Magsaysay (1954) – Proklamasyon Blg. 186 (Linggo ng Wika) Corazon Aquino (1988) – Proklamasyon Blg. 19 (Kinumpirma ang selebrasyon) Fidel V. Ramos (1997) – Proklamasyon Blg. 1041 (Ginawang Buwan ng Wika ang buong Agosto) Layunin: Palaganapin ang paggamit at pagmamalasakit sa wikang pambansa. 4. Konstitusyonal na Konbensyon (1971) Iminungkahi ng mga tagapagsulong ng wika ang paggamit ng "Filipino" sa halip na "Pilipino" Batay sa lahat ng katutubong wika sa Pilipinas, hindi lang Tagalog Layunin: Gawing mas inklusibo at representatibo ang pambansang wika. 5. Pagpapalaganap ng Edukasyong Bilingguwal (1974) Patakarang Edukasyong Bilingguwal – Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974 Inisyatibo ng Kagawaran ng Edukasyon Layunin: Gamitin ang Filipino at Ingles bilang wikang panturo sa iba't ibang asignatura. Naglatag ng paraan upang palakasin ang gamit ng Filipino sa akademya. 6. Pagtatatag ng Komisyon sa Wikang Filipino (1987 – kasalukuyan) Itinatag sa bisa ng Saligang-Batas 1987, Artikulo XIV, Seksyon 9 Layunin: o Mapanatili at mapaunlad ang Wikang Filipino o Bumuo ng mga hakbang sa modernisasyon ng wika o Pangalagaan ang mga katutubong wika ng Pilipinas 7. Produksyon ng mga Diksyunaryo at Gramatika Jose Villa Panganiban – nagsalin, nagsulat ng mga diksyunaryo, tesawro, at aklat hinggil sa Filipino Nakatulong sa pagpapalawak at pag-istruktura ng wikang pambansa 8. Pagsasalin sa mga Opisyal na Dokumento at Komunikasyon.
[Audio] Pagsasalin ng mga batas, konstitusyon, at iba pang dokumentong pambansa sa Filipino Layunin: Maunawaan ng mas maraming Pilipino ang mga usaping pambansa 9. Kampanya sa Media at Edukasyon Pagpapalaganap ng Filipino sa TV, radyo, at social media Pagsasama ng mga asignaturang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon 10. Lope K. Santos "Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa" Sumulat ng Balarila ng Wikang Pambansa (1939) – ito ang kauna-unahang aklat sa gramatika ng wikang pambansa (batay sa Tagalog). Nagsilbing Direktor ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) Aktibong nagtaguyod ng Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. Isa ring manunulat at makata na gumamit ng wikang Tagalog sa kanyang mga nobela at tula, lalo na sa "Banaag at Sikat." Istruktura at gramatika ng wika (balarila) Pormalisasyon ng anyo ng wikang pambansa Edukasyon at literasi gamit ang sariling wika 11. Julian Cruz Balmaceda Tagapagtanggol ng Panitikang Pilipino Itinaguyod ang panitikang Pilipino sa wikang Tagalog. Isa sa mga nanguna sa Kilusan para sa Pambansang Wika noong panahon ng Komonwelt. Pumapel sa mga seminar, panayam, at kampanya para sa paggamit ng wikang pambansa sa edukasyon, midya, at gobyerno. Kinikilala bilang isang kritiko at manunulat sa wikang Tagalog. Pagsusulong ng pambansang identidad sa pamamagitan ng wika at panitikan Inspirasyon sa mga manunulat at guro sa paggamit ng wikang Filipino 12. Cirio H. Panganiban Lingguwista at Edukador Punong Patnugot ng mga sangguniang aklat sa wikang Pilipino tulad ng diksyunaryo at gramatika. Nagsilbi rin bilang kalihim ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) Nanguna sa pagsasalin ng mga batas, aklat, at dokumento sa wikang Pilipino. Isa sa mga nagtulak ng edukasyong bilingguwal at pagkakaroon ng pambansang wika na sumasalamin sa iba't ibang katutubong wika. Pagsasalin at paglinang ng teknikal na wika Pagsuporta sa paggamit ng wikang pambansa sa edukasyon at pamahalaan Paggawa ng mga sanggunian para sa wika at edukasyon.
[Audio] Ang bilingguwalismo ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao o lipunan na gumamit ng dalawang wika. Sa Pilipinas, ito ay ang paggamit ng Filipino at Ingles bilang wikang panturo at opisyal sa edukasyon, pamahalaan, at komunikasyon. Kasaysayan ng Bilingguwalismo sa Pilipinas 1973 Konstitusyon (Artikulo XV, Sek. 3) Filipino at Ingles ang itinakdang wikang opisyal ng Pilipinas. Nagbigay-daan ito sa paggamit ng dalawang wika sa edukasyon at gobyerno. Patakarang Edukasyong Bilingguwal (1974) Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974 Inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon (DECS noon) Nilalayong gamitin ang Filipino at Ingles bilang mga wikang panturo: o Filipino sa mga asignaturang makabayan (e.g., Araling Panlipunan, Edukasyong Pagpapakatao) o Ingles sa siyensya, matematika, at teknikal na asignatura Layunin ng Patakarang Bilingguwal: Palaganapin ang paggamit ng wikang pambansa (Filipino) Panatilihin ang kakayahan sa Ingles bilang internasyonal na wika Itaguyod ang kaalaman at kaunlaran sa pamamagitan ng dalawang wika Mga Inisyatibo para sa Bilingguwalismo Pagsasalin ng mga aklat at materyales sa parehong Filipino at Ingles Pagpapatupad ng kurikulum na may balanseng paggamit ng dalawang wika Pagsasanay ng mga guro upang maging bihasa sa pagtuturo gamit ang Filipino at Ingles Mga Isyu at Epekto ng Bilingguwalismo Positibo: Nagbubukas ng mas maraming oportunidad (lokal at internasyonal) Napapalakas ang paggamit ng wikang pambansa sa akademya Nakagagamit ng Ingles sa agham, teknolohiya, at negosyo Negatibo: Minsan ay naisasantabi ang katutubong wika sa rehiyon Hindi pantay na pag-unlad ng kakayahan sa dalawang wika sa mga mag-aaral Nagiging "Inglisero-Inglisera" ang sistema habang Filipino ay napupunta sa informal na gamit Pagkakaiba ng Wikang Pambansa, Opisyal, at Panturo:.
[Audio] Uri ng Wika Kahulugan Wikang Pambansa Wika ng pagkakakilanlan ng bansa (Filipino) Wikang Opisyal Ginagamit sa pamahalaan, batas, dokumento (Filipino at Ingles) Wikang Panturo Ginagamit sa pagtuturo sa paaralan (Filipino at Ingles) Kasaysayan ng Linggo ng Wika 1. Panahon ng Komonwelt 1935 – Ayon sa Saligang-Batas ng 1935, inatasan ang pamahalaan na bumuo ng isang wikang pambansa batay sa isa sa mga katutubong wika. 1937 – Sa pamamagitan ni Pangulong Manuel L. Quezon, itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) at pinili ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. Si Quezon ay tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa". 2. Proklamasyon Blg. 186 (1954) Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay Itinakda ang Linggo ng Wika mula Marso 29 hanggang Abril 4, na nagtatapos sa kaarawan ni Francisco Balagtas (Abril 2) – isang tanyag na makata sa wikang Tagalog. Layunin: Parangalan ang panitikan at wikang pambansa. 3. Paglipat ng Petsa (1955) Inilipat ni Pang. Magsaysay ang Linggo ng Wika sa Agosto 13–19 Ang bagong petsa ay nagtapos sa kaarawan ni Manuel L. Quezon (Agosto 19) Layunin: Kilalanin ang ambag ni Quezon sa pagtatag ng wikang pambansa. 4. Proklamasyon Blg. 19 (1988) Nilagdaan ni Pang. Corazon Aquino Muling kinumpirma ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Agosto 13–19 Pinagtibay ang layuning palaganapin ang kamalayan sa kahalagahan ng wikang pambansa. 5. Proklamasyon Blg. 1041 (1997) Nilagdaan ni Pang. Fidel V. Ramos Pinalawig ang selebrasyon mula Linggo ng Wika tungo sa Buwan ng Wika Buong buwan ng Agosto na ang naging opisyal na panahon ng selebrasyon. Layunin: Mas mapalawak ang pagpapahalaga, paggamit, at pag-unawa sa Wikang Filipino..
[Audio] Mga Layunin ng Linggo (at Buwan) ng Wika Itaguyod ang Wikang Pambansa bilang instrumento ng pagkakaisa Pangalagaan ang panitikan, kultura, at kasaysayan ng Pilipinas Hikayatin ang paggamit ng Filipino sa edukasyon, gobyerno, at lipunan Magbigay daan sa mga paligsahan, seminar, at gawaing pangwika tulad ng sabayang pagbigkas, tula, sanaysay, at dula.