MGA PAMAMARAAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO PARA SA ELEMENTARYA.
PAMARAANG PABUOD O INDUCTIVE METHOD. [image].
PAMARAANG PASAKLAW O DEDUCTIVE METHOD. nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa kaya may taguring “rule” o “rule of example”. May limang hakbang ito: - 1) panimula o introduction - 2) pagbibigay ng tuntunin o katuturan o giving of rules/generalization - 3) pagpapaliwanag ng tuntunin o interpretation of the rule - 4) pagbibigay ng halimbawa o giving examples - 5) pagsubok o testing..
PAMARAANG PABALAK O PROJECT METHOD. Edukasyong Panggawain. Angkop din itong gamitin sa pagtuturo ng anumang asignatura na may nilalayong magsagawa ng proyekto. Nakatuon sa paggawa ng proyekto kung saan natututo ang mga bata sa pamamagitan ng aktwal na paggawa. Ito ay may apat na hakbang: - 1) paglalayon o purposing - 2) pagbabalak o planning - 3) pagsasagawa o executing - 4) pagpapasiya o evaluating/judging..
PAMARAANG PROSESO O PROCESS APPROACH. Ang process approach ay ginagamit sa pagtuturo ng mga asignatura sa agham at iba pang disiplina. Pag angkin ng mga mag-aaral ng mga batayang kasanayang intelektuwal na kailangan niya sa pagkatuto. Binibigyang-diin ang proseso ng pagkatuto, hindi lang ang resulta. Halimbawa: Sa pagsusulat, bigyang-pansin ang bawat hakbang-pag-iisip ng paksa, paggawa ng balangkas, pagsulat ng burador, at pagrerebisa-hindi lang ang pinal na sulatin..
ANG KOOPERATIBO AT KOLABORATIBONG PAGKATUTO. Nakatuon sa sama-sama at tulungtulong na pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang itinakdang gawain. Layunin ng KKP ay mabawasan ang kompetisyon at maragdagan ang kooperasyon ng mga estudyante. Napatunayan sa pag-aaral nina Kagan, Slavin at Allport ang magagandang bunga ng kooperatibong pag-aaral sa mga pag-aaral gaya ng mga sumusunod: Na malaki maitutulong ng kooperatibong pag-aaral sa paghubog ng magandang pag-uugali at pakikipagkapwa ng mga estudyante. Napatataas din ang kanilang pagpapahalaga at pagtingin sa kanilang sariling kakayahan. Mataas na pagsulong sa pagkatuto Malilinang ang matalino at mapanuring pag-iisip Nagkakaroon ng positibong atityud sa pag-aaral, mataas na motibasyon Mas mabuting relasyon ng guro at estudyante; estudyante sa kapwa estudyante Halimbawa: Magpagawa ng group activity kung saan magbabasa ng kwento ang bawat grupo at magbabahagi ng kanilang natutunan sa klase..
ANG PAGKATUTONG INTERAKTIBO (INTERACTIVE LEARNING).
ANG PAGKATUTONG integratibo (INTEgratIVE LEARNING).