KADIWA. Buwanang Pulong Setyembre 2024. ‘POTENTIAL HARMFUL EFFECTS OF SOCIAL MEDIA ON CHRISTIAN LIVING’.
[Audio] Ang ating paksa sa Buwanang Pulong ay tungkol sa "Potential Harmful Effects of Social Media on on Christian Living.".
[Audio] Para sa maraming tao, ang social media ay naging bahagi na ng pang-araw-araw nilang gawain, na nakakaimpluwensiya sa ugnayan nila sa ibang tao at sa palitan nila ng mga saloobin at ideya. Bilang mga Cristiano, dapat nating timbangin kung paano ito makaaapekto at makakaimpluwensiya sa ating pananampalataya at pag-uugali..
[Audio] Alam nating ang internet ay puno ng mga opinyon, influencers, pilosopiya, ideolohiya, at keyboard warriors na maaaring magsapanganib ng ating pananampalataya. Bagaman tayo ay mga tunay na Cristiano, kung hindi tayo magiging maingat ay maaaring makaimpluwensiya ito sa atin at mahulog tayo sa bitag ng diablo.
[Audio] Sa isang pananaliksik sa behavioral sciences ay sinasabi na ang social media at online social groups ay may kakayahang baguhin ang pananaw o moral ng isang tao, kagaya ng atin na ring nasasaksihan..
[Audio] Subalit marahil ay itinatanong ng iba: Masama ba ang social media? Hindi, maliban na kung ito ay ginagamit sa pagpo-promote ng mapaminsalang mga isipan at opinyon..
[Audio] Sinasasabi rin ng nabanggit na pananaliksik na ang mga gumagamit ng social media at online social groups ay madalas na nakadarama ng karagdagang pressure dahil sa paghahangad ng validation at sa kagustuhang maging tanyag o sikat, na minsan ay nagiging dahilan kaya nakakapag-share sila ng mga nakakapinsalang online content..
[Audio] Ano ang panganib kapag ang isang tao ay nakadarama ng matinding pressure na sila ay magustuhan o matanggap ng iba? Nagiging lalong madali na siya ay maimpluwensiyahan ng mga mapanganib na isipan, opinyon, o paniniwala..
[Audio] Paano natin maitataguyod ang pagiging Cristiano kahit online? Talakayin natin ang ilang online DOs and DON'Ts.
[Audio] Ang spiritual maturity ay naipakikita natin sa pamamagitan ng mga sumusunod:.
[Audio] Nagpo-post tayo hindi para makakuha ng likes o pagsang-ayon ng iba kundi para sa kapurihan ng Diyos. Hindi tayo nagse-share o nagpo-post ng mga sumusunod: ■ Panunuligsa sa Iglesia. ■ Mga bagay na labag sa ating pananampalataya at sa mga aral ng Diyos. ■ Mga kawalang katarungan sa lipunan (social injustice). ■ Mga holidays na labag sa aral ng Biblia. ■ Pagkausap sa taong patay na o kaya ay larawan ng kandila bilang pagluluksa sa kamatayan ng isang tao dahil mula ito sa tradisyong pagano..
[Audio] Ang layunin natin sa pagsusuot ng banal na kasuotan ay upang bigyang kasiyahan ang Diyos at hindi magpa-impress sa tao. Lagi tayong nagse-share ng official I-N-C media content. Hindi natin ginagamit ang social media upang maglabas ng sama ng loob. Naniniwala tayo na ang mga biyaya ay nagmumula sa pagiging masunurin at hindi sa 'Law of Attraction' o sa mga katulad na pilosopiya o mga kaisipang nilikha lamang ng tao..
[Audio] Mga kapatid, maging maingat tayo: maaaring may influencers na ipinapakita ang kanilang tagumpay o marangyang pamumuhay subalit ang kanilang mga paniniwala ay labag naman sa kalooban ng Diyos. Ang mga ito ay maaaring magbunga ng pagkainggit o kaya ay ng labis na paghahangad..
[Audio] Panghuli, kailangan nating maging maingat sa kung We're Christians Even Online! sino o ano ang pinapayagan nating makaimpluwensiya sa atin. Kung labis ang ating paghahangad na mag-fit-in, o kung nakahanda tayong baguhin ang ating sarili para lamang maiakma sa ugali at kilos ng ibang tao, maaaring maging sanhi ito ng paglabag sa mga aral ng Biblia..
Social Media User Maling Pagtugon 1 "Mahirap ang pinagdadaanan ko ngayon. Gagawa ako ng post na humihingi ng mga panalangin o mga salita ng paghihikayat na pahahalagahan." ● Mag-komento sa post: 'Ano ang mali, ano ang nangyari?.
Social Media User Maling Pagtugon 2 “Gusto kong malaman ng mga tao na nagluluksa ako. Magpo-post ako ng picture ng kandila na may caption, ‘Alam kong nasa magandang lugar ka na ngayon’” ● Gusto ko siyang damayan magco-comment ako ng black heart emoji..
Social Media User Maling Pagtugon 3 “Nag-post ako ng mga sama ng loob tungkol sa isang tao na nakaaway ko at gumamit talaga ako ng masasakit na salita.” ● Mag-komento sa post: “OK lang iyan dahil normal lang na naggalit tayo. Mas mainam nga ilabas mo iyang galit mo.” ● Direct Message: “Ikuwento mo naman ang detalye sa akin!”.
1 ● Makikipag-usap ako sa aking kapatid sa Iglesia at paalalahanan siya na ang pinakamabuting gawin ay sumangguni sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin, at tayo ay magtatamo ng kaligayahan sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Kanya..
2 ● Makikipag-usap ako sa aking kapatid upang taos-pusong ipahayag ang aking pakikiramay, subalit ipapaalala ko rin na labag sa aral ng Biblia ang pakikipag-usap sa mga taong patay na o ang pakikilahok sa mga kaugaliang pagano tungkol sa mga taong patay na..
3 ● Makikipag-usap ako sa aking kapatid para paalalahanan nang buong ingat na ang mga personal na isyu ay dapat ayusin privately sa halip na sa pamamagitan ng social media..