Magandang Umaga pong muli sainyong lahat! :)

Published on Slideshow
Static slideshow
Download PDF version
Download PDF version
Embed video
Share video
Ask about this video

Scene 1 (0s)

M a g a n d a n g U m a g a p o n g muli s a i n y o n g l a h a t ! : ).

Scene 2 (8s)

Pagmamapang kultural , etnographiya , pananaliskik sa leksikograpiko at video documentation.

Scene 3 (17s)

Pagmamapang Kultural (Cultural Mapping).

Scene 4 (24s)

-Isa sa mga uri ng pananaliksik na deskriptibo . - Mula sa salitang " pagmamapa " ito ay tumutukoy sa " pag-uugat " o kaya ay “ pagtukoy ”. - Kaugnay nito , ang salitang ' kultural ' na tumutukoy sa salitang kalinangan . Ang pagmamapang kultural ay tinatawag na ding "cultural resource mapping o cultural landscape mapping.".

Scene 5 (42s)

Kaya kapag pinagsama ang salitang PAGMAMAPA at KULTURAL ito ay tumutukoy sa pag-uugat ng kaparaaanan ng buhay . Kinabibilang ng :.

Scene 6 (56s)

Pagmamapang Tangible or Intangible Cultural Assets.

Scene 7 (1m 16s)

Ang pagmamapang kultural isa sa mga sinusuportahan ng UNESCO.Kasama ito sa hangarin na inilahad sa Universal Declaration on Cultural Diversity, na : nagpapahayag ng pagpapahalaga sa pagpapanatili , pagpapaunawa at pag-ulad ng alinmang usaping nakaugnay ang kultura at tradisyon ..

Scene 8 (1m 31s)

Dahil sa lawak ng impormasyong nauugnay o maaaring masaliksik sa pagmamapang kultural , ang katangian nito bilang interdisiplinaryong larangan ay ginagamit na rin sa sumusunod :.

Scene 9 (2m 1s)

Buck (2017) Ang pagmamapang kultural ay napakahalaga at may potensyal na isakatuparan ang sumusunod : a. Mapanatili ang pang-unawang interkultural. b. Mapangalagaan ang karapatan ng mga katutubong pangkat sa kanilang mga lupain o teritoryo. c. Mapangalagaan ang katutubong 'identidad' (indigenous knewlege).

Scene 10 (2m 16s)

d. Makatulong sa mga komunidad ng mga katutubo upang makabuo ng estratehiya para sa anumang hangaring nauugnay sa kanilang pangkat . e. Makapagbigay kaalaman sa iba pang mga organisasyon na magkaroon ng komprehensibong kaalaman sa iba't ibang uri ng pamumuhay (biodiversity) na mayroon sa nakaraan at sa kasalukuyan. f. Magkaroon ng katunayan ang katutubong yaman at kahusayan ng etnikong pangkat (ancestral tangible wisdom)..

Scene 11 (2m 36s)

PANANALIKSIK ETNOGRAPHIYA.

Scene 12 (2m 42s)

PANANALIKSIK ETNOGRAPHIYA. Nahahwig sa pagmamapang kultural , ito ay naglalahad ng mga kagawian ng isang pangkat ..

Scene 13 (2m 52s)

Weston (2017) ang pananaliksik etnograpiya ay isang uri ng kwalitatibong pananaliksik na nauukol sa obserbasyon at interaksyon ng mga sangkot na mananaliksik at tagatuon sa tiyak na kaligiran na pag-aaral. Ginagamit ito madalas ng mga antropologo at madalas isinasakatuparan sa larangan ng agham..

Scene 14 (3m 7s)

Tiyak na layunin sa pag-aaral etnograpiko ang sumusunod: Mapalalim ang kaalaman ukol sa gawi ng isang pangkat. Mailahad ang mga kultura na katangian at mga isyung kinahaharap ng isang pangkat. Makapagdisenyo ng angkop na estratehiya upang malutas ang mga suliranin..

Scene 15 (3m 23s)

Dahilan kung bakit isinasagawa ang Pananaliksik Etnograpiya Isinasagawa ito hindi lamang upang matukoy ang nakalipas na uri ng pamumuhay o karansan kundi nakahigit dito ang hangarin na maranasan kung paano mamuhay kasama ang pangkat na pinag-aaralan, matanggap ang kanilang mga ideya, maunawaan ang kanilang mithiin, kaisipan, pagpapahalaga at paniniwala. Itinuturing itong makatao sapagkat maliban sa pakikibahagi ng mananaliksik sa komunidad naipaparanas din niya ang kanyang ugali, gawi, pagpapahalaga at paniniwala kasabay ng mga tagatugon. Dahil dito ang kanyang karanasan ay nagiging makabuluhan..

Scene 16 (3m 48s)

Metodo Tinatawag na “anthropological ethnographer” ang nagsasagawa ng pagaaral etnograpiko. Ang mga ethnographer ang nangangalap ng kinakailangang datos. Upang maisakatuparan ito isinasagawa ang mga sumusunod na metodo: Live and Work approach. Ang mga ethnographer ay nakikipamuhay sa lugar ng kanilang mga tagatugon sa loob ng isa o mahigit pang isang taon. Sa ganitong paraan ay lumalawak ang impormasyon at kasapatan sapagkat naoobserbahan at nararanasan ang aktwal na gawi ng mga tao sa isang lugar..

Scene 17 (4m 10s)

Individual Approach. Kung saan ang mga tala ay ukol sa mga tagatugon na nakuha mula sa obserbasyon, panayam at survey ay napakahalagang suporta upang maipakita ang kabuoang gawi ng pangkat. Etic and Emic Approach . Matapos makuha ang mahalagang impormasyon. Itinatala at masusing pinagaaralan ang mga datos, ginagamit ang emic (folk or inside) at etic (analytic or outside) upang mailarawan ang komunidad at kultura..

Scene 18 (4m 31s)

Kabutihan at Di-Kabutihan ng pagaaral ng Etnograpiko KABUTIHAN. Isa sa mabuting dulot ng pag-aaral nito ay ang katangian nitong matukoy at maipaliwanag ang mga isyu ukol sa pangkat at ang mga isyung maari pang mangyari . Bukod rito ang ganitong uri ng pag-aaral ay naihahatid nang detalyado at makatotohanan ang mga ugali at gawi ng pangkat na pinag-aaralan kasama ang kanilang emosyon , kilos at pananalita . DI-KABUTIHAN. Ang tiyak na di- kabutihan naman nito ay ang oras na ginugugol sa pagsasagawa ng pag-aaral etnograpiko . Hindi maisasagawa ang ganitong pagaaral sa mabilis na panahon sapagkat ang kinakailangang maobserbahan na hindi nagbabago ang katangian , gawi , pag-uugali , kilos maging pananalita ng pangkat . Dahil din sa haba ng panahon , matagal din ang isasagawang pagkakalap ng aktuwal na impormasyong kakailanganin ..

Scene 19 (5m 6s)

PANANALIKSIK ETNOGRAPHIYA. Paraan ng pagkalap ng Datos Obserbasyon ( participant observation ) Panayam ( face-to-face Interview ) Survey Pakikisalamuha Pakikipamuhay.

Scene 20 (5m 16s)

PANANALIKSIK NA LEKSIGRAPIKO.

Scene 21 (5m 23s)

Mula sa salitang Griyego na lexicographos ang leksigrapiko na pinagsamang lexikos (salita o pananalita) at grapho(isulat o iukit) at sa ingles ay Lexicography na ibig sabihin ay naukit na nasulat na pananalita. Pinakalayunin nito ay maitala ang leksikal na impormasyon ng mga salita gamit ang pagtatala ng mga ito sa pamamagitan ng anyong diksyonaryo..

Scene 22 (5m 41s)

Dalawang Pangkat sa Pag-aaral ng Lekiskograpiya Lekiskograpiyang Praktikal (Practical Lexicography) - Ito ay sining ng pagsama-sama, pagsusulat at pagwawasto ng mga leksikal upang makabuo ng diksyonaryo. Teoretikal na Lekiskograpiya ( Theoretical Lexicography) – Ito ay larangan ng kaalaman o disiplinang nauukol sa analisis at paglalarawan sa semantika, sintaks at kahulugan ng mga leksikon ng wika..

Scene 23 (5m 59s)

Leksikograpiya at Pananaliksik Ang leksikograpiya ay isa na rin sa mga pinagtutuonang larangan ng pananaliksik dahil sa wikang nagbabago. Ang paggamit ng wika ng mga tao sa kasalukuyan ay malaki na rin ang kaibahan sa paggamit ng mga salita sa mga nakaraang taon. Ang pananaliksik leksikograpiya ay isang uri ng pananaliksik na linggwistik. Ito ay deskriptibo at nakatuon sa pangangalap, paghahanay at pagaayos, pagbibigay ng kahulugan at paglalahad ng mga impormasyon ng mga salita..

Scene 24 (6m 21s)

Schierholz (2016) Ang mga metodo sa pananaliksik leksikograpiya ay ang mga sumusunod: Panglakap ng linggwistikal na datos (salita, tunog, pagsulat at iba pa) Paraan ng pagayos ng datos (alphabetical or word by word) Disiplinang kinabibilangan ng salita at analisis ng kahulugan ng salita Paggamit ng wastong ortograpiya ayon sa katangian ng wika.

Scene 25 (6m 39s)

Aspekto ng Pananaliksik Leksikograpiya Pagtukoy sa katangiang kultural ng mga ginamit ng diksyonaryo Pagtukoy sa komunikatibo at kognitibong layunin ng diksyonaryo Pagpili ng kaayusan ng estruktura ng mga kalahok Distribusyon ng lahok at cross reference Pagpili ng mga panlapi at paraan ng paglalahad sa mga salita Pagpili ng mga parirala.

Scene 26 (6m 56s)

Pagbigay katuturan Pagsulat ng paraan ng pagbigkas ng salita Pagsasama ng iba-ibang rehistro, diyalekto, at iba pa Pagsasalin sa mga lahok.

Scene 27 (7m 7s)

Dalawang Pangunahing tungkulin : 1. Pagplaplano, pagbabalangkas, paghahanda, paglalahatla at pagsasapanahon ng mga diksyonaryo, tesauro at ensayklopidya. 2. Pagtitipon at pagsasapanahon ng mga diksyonaryong monolinggwal, bilinggwal, bokabularyong siyentipiko at espesyalisado at mga terminolohohiyang teknikal..

Scene 28 (7m 23s)

Mahalagang pamantayan sa pagklasipika ng mga diskyonaryo sa pananaliksik leksikograpiya: Uri ng salita ( Density of entry ). Kung ang mga salita ay bibigyan ng kahulugan panlahat ayon sa gamit nito sa lahat ng larangan. Kung ito ba ay maglalaman ng mga salitang rehiyunal o salitang balbal (social dialect), jargon, slang, o salitang may kalaliman kahulugan ng sanhi ng kasaysayan (archaism) Bilang ng gagamiting monolinggwal, bilinggwal o multilinggwal Ang katangian ng salita ( nature of entries) kung leksikal o encyclopaedic Gamit ng salita batay sa panahon ( axis of time) maaring diksyonaryo o singkroniko Layunin Kinauukulang gagamit ( Prospective user).

Scene 29 (7m 49s)

Minsan ginagamit lamang ang isang pamantayan ngunit madalas ay maaring ginagamitan ng dalawa o higit na pamantayan bago ito maihanay sa klasipikasyong kinakabilangan nito. Sa unang batayan ng pagbuo ng diskyonaryo, binibigyang diin ang uri ng mga eleganteng titik sa paglilimbang upang maihanay sa klasipikasyon. Ito ay dahil sa calligraphy. May mga mahahalgang dapat isaalang-alang sa pagklasipika nito. Ito ay ang lawak (scope) at nilalaman (coverage) at kahulugan (definition). Ang diksyonaryo ay nalilimbag sa bawat panahaon upang maging paalala na ang wika ay buhay, dinamiko at pagpapatuloy sa darating na pahahon..

Scene 30 (8m 15s)

VIDEO DOCUMENTATION.

Scene 31 (8m 22s)

VIDEO DOCUMENTATION. Isa sa mga ginagamit sa pananaliksik sa larangan ng Agham Panlipunan..

Scene 32 (8m 31s)

BOWMAN (2016) Ang video documentation ay isa na sa pinakagamiting pamaraan ng paglakap ng datos sa kasalukuyan sapagkat ito ay naglalahad ng aktuwal na pangyayari. Makikita sa dokumento ang lahat ng mga datos na kailangan at ito ay makatotohanan at makapagkakatiwalaang hanguuan..

Scene 33 (8m 47s)

Jewitt (2012) Ang video documenting ay nakapakahalagang kagamitan sa pagkuha ng impormasyon sapagkat nakatutulong ito upang mailahad nang wasto ang mga impormasyon. Maliban dito, napapanatiling maayos ang mga impormasyon sapagkat marami nang mga kagamitan na magagamit upang ang mga recording ay maimbak.

Scene 34 (9m 2s)

PARAAN NG PAGSASAGAWA NG VIDEO DOCUMENTATION. PARTICIPATORY VIDEO APPROACH: Isang paraan kung saan ang mananaliksik ay kasama rin sa imahen ng video. Karaniwan ito ay nasa pananaliksik kultural, pangwika, historical, at iba pa. Isa itong proseso kung saan ang mga tagatugon ay maari ding gumamit ng video upang idokumento ang kanilang mga pamumuhay nang sa gayon ay natural lang sa mga datos sa pag-aaral..

Scene 35 (9m 23s)

VIDEOGRAPHY: Isa itong dulong etnograpiko sa pagbuo ng video documentation na nahahawig sa participatory video approach. Naiiba lamang ito sapagkat mayroong itong layuning aesthetic o pagpapakita ng mga pangyayari sa paraang malikhain..

Scene 36 (9m 37s)

EXISTING VIDEOS: Ito ay paggamit ng mga video na maaring makuha sa iba’t-ibang hanguan o sanggunian. Maaring ang mga ito ay mula sa pangkat, organisasyon o kaya ay indibidwal. Ang halimbawa nito ay video na nakuha sa tahanan o “ home-made/domestic video”, broadcast media, mga CCTV recording, mga video sa Youtube at iba pa..

Scene 37 (9m 55s)

VIDEO ELICITATION: Mga video mula sa mga panayam na ginagamit upang mapagkunan ng mga impormasyon o kaya ay bilang hanguan ng talakayan. Inihihinto ang video sa isang bahagi ng upang ihayag ng tagatugon o mga tagatugon ang kaniya/kanilang mga kaisipan ukol dito. Sumakatwid ‘ selective’ ang paggamit ng video. Ito ay upang mapaliwanag ng tagatugon ang kaniyang mga kaisipan..

Scene 38 (10m 14s)

VIDEO-BASED FIELDWORK: Ito ay pagkuha ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga video camera na inilagay sa isang lugar sa mahabang panahon upang makakuha ang bawat saglit ng mga pangyayari sa ‘ subject’ na nais pag-aralan..