Kabanata 19: Mga Suliranin ng Isang Guro. Noli Me Tangere.
Pamagat. •. Mga tauhan. •. Tagpuan. •. Termilohiya ng mga salitang ginamit sa akda.
Kabanata 19: Mga Suliranin ng Isang Guro. Noli Me Tangere.
Mga tauhan. • Crisostomo Ibarra • Binatang Guro • Padre Damaso • Tenyente Guevarra • Don Anastacio • Maestro Ciruela • Kura • Padre Astete • Padre Barranera.
Crisostomo Ibarra. • Siya ang naghanap sa kung saan itinapon ang bangkay ng kanyang ama . • Siya rin ang kausap ng binatang guro sa San Diego..
Binatang Guro. • Siya ang guro sa San Diego na tinulungan ng ama ni Ibarra. • Siya ang gurong maraming mga suliranin sa pagiging guro ..
Padre Damaso. • Isang sakristan Mayor • Naging kura noon sa bayan ng San Diego • Hindi niya gusto ang pagtuturo ng binatang guro.
Tenyente Guevarra. • Isa sa kasama sa paglibing ng ama ni Ibarra..
Maestro Ciruela. • Isang gurong hindi marunong bumasa ngunit nagtayo ng paaralan at nagturo ng pagbasa sa kanyang mga mag - aaral . • Siya ay isang Prayle , siya ay mayaman at siya rin ay makapangyarihan ..
Padre Astete. Padre Barranera. • Katesismong tagalog na pabago-bago ayon sa kinabibilangang korporasyon ng Kura..
TAGPUAN. Sila ay nag-usap sa tabi ng lawa. •.
Mga Termilohiya ng mga salitang ginamit sa akda. • Maikintal - maitanim sa isipan • Nagmungkahi - nagbigay ng payo • Nakababagot - nakaiinip • Naglalaho - nawawala • Naglilimayon - nagsasayang ng oras • Nagpapagunita - nagpapaalala • Napagkura - napag-isip-isip.
Buod. Sa tabi ng lawa ay nagkita sina Ibarra at ang guro sa San Diego. Itinuro ng guro kung saan naitapon ang bangkay ng ama ng binata . Isa diumano si Tinyente Guevarra sa iilang nakipaglibing sa kanyang ama . Ikwinento ng guro ang mga kinakaharap na suliranin ng San Diego tungkol sa edukasyon . Naantig ang kanyang damdamin hinggil sa bagay na ito nang marinig niya ang malulungkot at mahihirap na karanasan ng guro na kanyang nakilala na tinulungan ng kanyang ama . Mula sa kanilang pag-uusap ay nabuo ang isang layuning ipagpatuloy ang misyong pagbutihin ang edukasyon sa kanilang bayang sinimulan ng kanyang ama . Ibinahagi ng guro ang iba't ibang suliraning kanyang hinarap sa kanyang pagtuturo . Ito ay ang , matinding kahirapang dinaranas ng mga mag- aaral , isa rin ay ang kawalan ng silid aralan na akma upang makapag-aral ng walang balakid ang mga bata , at ang kakaibang pananaw ng mga pari at pakikialam ni Padre Damaso sa paraan ng pagtuturo ..
Buod. Kahit anong tiyaga ng guro na ituro sa kanyang mga estudyante ang nilalaman ng mga libro na nakasulat sa wikang Kastila ay pilit itong pinanghihimasukan ni Padre Damaso . Pinapalo at minumura diumano ng pari o kura ang mga bata sa tuwing makaririnig ito ng ingay mula sa tapat ng kwadra kung saan nag- aaral ang mga bata dahil nga wala silang silid-aralan . Sang- ayon naman ang mga magulang dito na paluin ang kanilang anak upang madisiplina at maturuan ng maayos . Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay nangako naman si Ibarra na gagawin ang kanyang makakaya upang matulungan ang guro at maiangat ang kalagayan ng edukasyon sa bayan . Kanya raw babanggitin sa araw ng pulong sa paanyaya ni Tinyente Mayor ang mga napag-usapan nila ng guro ..