Dugtungang Pagbabasa: Ang Aming Bisita ni Conrad Ladislee B. Tuan III

Published on
Scene 1 (0s)

Dugtungang Pagbabasa: Ang Aming Bisita ni Conrad Ladislee B. Tuan III.

Scene 2 (8s)

Mga Bumubuo ng Pangkat (IV-Bongga). Elisha Janelle Cabca Samantha Nicole Judriasen Thaddeus Mendroz Chris Zia Zurhian Habana.

Scene 3 (20s)

Maaga akong nagising ngunit mas maaga pa sina Tatay, si Kuya at Ate pati na ang mga kapit-bahay. Lahat ay nanabik sa dalang bisita ni Nanay..

Scene 4 (32s)

.. “Teka at malibot ang bahay nang malaman ko kung sino itong bisitang hinihintay.”.

Scene 5 (41s)

.. Sa silid-kainan ako ay namangha. Aba! Ang mantel ay naiba, makintab, mabango at bagong laba..

Scene 6 (51s)

Maging ang sala ay inayos na kasing lapad ng plasa. Puwede kaming sumayaw ng tango at cha cha..

Scene 7 (1m 1s)

.. Ang mga bintana ay parang piyesta, napapalamutian ng mga bagong kurtina..

Scene 8 (1m 10s)

.. Mayroon pang paso na magaganda, natatamnan ng mga bulaklak na kasingganda ng umaga..

Scene 9 (1m 19s)

Sa kusina naman, lahat ay abala. Nagluluto sila ng masarap na tinola. Si Lola ay napapangiti at napapasayaw pa, habang bitbit niya ang sandok at kutsara..

Scene 10 (1m 32s)

“Lola, ano po ang nangyayari?” tanong kong nagtataka. Ngumiti lang si Lola, saka tumungo sa mesa. Sumandok ng kaning mainit-init pa, sabay sabing. “Abby, may darating tayong bisita.”.

Scene 11 (1m 46s)

Si Tiya Gemma ay may pinagkakaabalahan. Mga halaman sa hardin ay kanyang dinidiligan. Binubunot din niya ang mga damong nagtataasan. Para daw maayos ang pagpapasyalan ng bisita naming inaabangan..

Scene 12 (2m 2s)

“Halika Abby at ako’y iyong tulungan. Tanggalin natin itong mga batong naglalakihan para ang inyong Inay ay hindi mahirapan sa pagtulak at paghila ng espesyal na sasakyan ang ating bisitang pinakaaabangan.”.

Scene 13 (2m 18s)

Lumapit ako kay Tatay,sabay hawak sa kamay. Tatay, anong mayroon at kayo’y abala? Tugon niya “Hindi mo ba alam na tayo ay may darating na bisita? Maligo ka na at parating na sila.”.

Scene 14 (2m 31s)

Si Kuya naman ay nasa bagong silid. Pinipinturahan ang dingding ng makukulay na mga guhit. Parang nasa outer space roket. Nais kong sumakay doon nang makapagliwaliw saglit..

Scene 15 (2m 44s)

Si Ate naman ay nasa kuwarto nina Tatay, at para bang may pinagkakaabalahang gawain. Tinutupi niya ang mumunting damit na tinahi ni nanay. Masukat nga at baka magkasya din sa akin..

Scene 16 (2m 58s)

“Teka Abby, ingatan mo iyan, hindi para saiyo ang maliliit na damit na ganiyan. Halika at suriin mo ang nakasulat na pangalan,na ibinurda noon ni Nanay upang siya ay malibang.”.

Scene 17 (3m 12s)

“ Mico”, basa ko sa nakaburdang pangalan. Kulay asul at puti na magandang tingnan. Sana ako ay gawan din nito ni Nanay sa mga damit kong may iba’t ibang kulay..

Scene 18 (3m 26s)

Biglang may bumusina sa labas ng bahay, “Naku, narito na ang bisitang pinakahihintay,” sabi ni Ate sabay takbo sa labas ng bahay. Maging ang iba ay naroon na at sa bisita ay kumakaway..

Scene 19 (3m 41s)

Lahat sila ay nagtipon-tipon sa bisita, may tawanan, halakhakan, maging pagkamangha. May nagsabing si Nanay ang kamukha,at ang mga ngiti niya ay kay Tatay kinuha..

Scene 20 (3m 55s)

“Tara Abby”, sabi ni Nanay. “Iyong yakapin ang bagong kasama natin sa bahay. Ipinakikilala ko sa iyo ang pinakamamahal nating si Mico, ang pinakahinihintay mong bunso.”.

Scene 21 (4m 7s)

Biglang tumalon ang aking puso sa tuwa at pagkamangha, ngayon ay aking napagtanto: “Ate na pala ako, hindi ko inakala.” Ngayon, kaming mag-anak ay kompleto na. Dumating na sa wakas ang pinakahihintay naming bisita..