Dekalogo ng Katipunan ng Supremo Andres Bonifacio.
Andres Bonifacio.
Andres Bonifacio. Siya ang nagsulat ng dekalogo . Nakabatay sa sampung utos ng Diyos ang dekalogo . Nakasulat ang mga tungkulin ng bawat miyembro ng Katipunan sa dekalogo Maspinili ni Andres na ipamahagi sa mga miyembro ng Katipunan ang Kartilya ni Emilio Jacinto.
KKK Katungkulang gagawin ng mga ZLlB. 1. Sumampalataya sa MayKapal ng taimtim sa puso . 2. Gunamgunamin sa sarili tuina , na ang matapat na pag sampalataya sa Kanya ay ang pagibig sa lupang tinubuan , sa pagkat ito ang tunay na pag ibig sa kapwa . 3. Ykintal sa puso ang pag asa na malabis na kapurihan at kapalaran na kung ikamamatay ng tawoy mag bubuhat sa pagliligtas sa kaalipinan ng bayan. 4. Sa kalamigan ng loob , katiagaan , katuiran at pag asa sa ano mang gagawin nagbubuhat ang ikagaganap ng mabuting ninanais . 5. Paingat ingatang gaya ng puri ang mga bilin at balak ng K. K. K..
KKK Katungkulang gagawin ng mga ZLlB. 6. Sa isang na sa sapanganib sa pag tupat ng kanyang tungkol , idadamay ng lahat, ang buhay at yaman upang maligtas yaon . 7. Hangarin na ang kalagayan ng isatisa , maging fuaran ng kanyang kapwa sa mabuting pagpapasunod at pag tupad ng kanyang tungkol . 8. Bahaginan ng makakaya ang alin mang nagdaralita . 9. Ang kasipagan sa pag hahanap-buhay ay siyang tunay na pag ibig at pag mamahal sa sarili sa asawa , anak at kapatid o kabayan . 10. Lubos na pag sampalataya sa parusang ilinalaang sa balang sowail at magtaksil , gayon din sa pala na kakamtan ukol sa mabuting gawa . Sampalatayanan din naman na ang mga layong tinutungo ng K.K. K. ay kaloob ng Maykapal , sa makatwid ang hangad ng bayan ay hangad din Nya.
Mga tugon sa gabay na tanong :.