Panalangin sa Patnubay ng Panginoon.
Sa pagtatapos Panginoon ng aming gawain sa gabing ito, baon po namin ang kapayapaan at kasiyahan sa aming puso at isipan. Sapagkat kahit sa maiksing oras, kami ay nagkasama-sama upang magpuri, pagpasalamat at manalangin. Salamat sa Espiritu Santo, naging matagumpay muli ang aming Prayer meeting ngayong gabi. Dalangin namin Panginoon na patuloy mo kaming pagbuklurin sa pananampalataya at pagkakaisa sa mga gawain sa Iyong iglesia..
Patuloy mo po na patnubayan at pagpalain ang Prayer Ministry upang hindi lamang ang aming mga kapatid sa pananampalataya ang tumanggap ng pagpapala, maging ang mga hindi pa nakakakilala sa Iyo. Na sa pamamagitan ng gawaing ito, marami kaming mailapit na kaluluwa patungo sa kaligtasan at makilala nila kung sino ka bilang Dios. Patnubayan mo po kami sa araw-araw at iligtas sa kapahamakan. Hindi lamang sa mga pisikal na panganib, kundi sa panganib na dala ng aming mga ispiritwal na kaaway..
At sa gabing ito Panginoon, dalangin po namin na kami ay bantayan ng Iyong mga anghel. Kami ay makapagpahinga ng matiwasay at may kapayapaan sa puso upang salubungin ang kinabukasan ang bagong araw, bagong pagasa sa aming buhay. Amen.
Pagpalain ang Heritage Christian Church.