[Audio] Potensyal ng Kadagaan at Dangadang sa Haraya ng Nasyon: Pagsusuri sa Nobela at Pahayagang Dangadang sa Balangkas ng Talabang Pambansa-Rehiyonal ni Lumbera Joanne Visaya Manzano.
[Audio] Lumampas na ang ibang mga iskolar sa nasyonal upang tumungo sa diskurso ng transnasyonalismo. Hinamon ng "postcolonial studies", "border studies", "diaspora studies", "cosmopolitanism", "globalization", "feminism", at "multiculturalism" ang metodolohiya at saklaw ng "pambansang panitikan" (Pollari sa Grönstrand et al. 2015, 3). Mahalaga ang nasabing mga pag-aaral sa nagbabagong konsepto ng nasyon subalit sa literatura at sining ng Pilipinas, nananatiling makabuluhan ang ambag ni Bienvenido Lumbera sa diskurso ng Panitikang Panrehiyon at Pambansa. Ekstensibong sisipiin ang pakahulugan ni Lumbera kaugnay nito: Ang prinsipal na bisa ng panitikang panrehiyon ay ang panloob na paninging nagpapalalim at nagpapatibay sa pag-ugat ng mga akda sa tradisyonal na kultura ng rehiyon. Ang prinsipal na bisa ng panitikang pambansa ay ang panlabas na paninging nakabukas sa ibang kultura, katutubo man o dayuhan, na nagpapalawak ng repertoryo ng kaisipan at pamamaraan na magagamit ng manunulat (2000, 165). Mas maliit ang usaping pinapaksa sa rehiyonal at mas malawak naman sa pambansa (2000, 156)..
[Audio] MALINAW SA PAKSA NA: saklaw at paksa ang pamantayan para sa pagtukoy ng "pambansa" at "panrehiyon".
[Audio] Dangadang (2003) ni Aurelio Agcaoili at ang seksiyong kultural ng Dangadang: Rebolusyonaryo a Dyaryo ti Umili iti Amianan-Laud a Luzon (1997-2009) Nobelang na ipinalilitaw ang talaban ng mga bahagi (rehiyon at kilusan sa Kailokuan) sa kabuuan (nasyon). Gamit ang konsepto ng dangadang,.
[Audio] Mga Usapin ng Rehiyonal at Nasyonal. Mga Usapin ng Rehiyonal at Nasyonal.
[Audio] May pangangailangan para sa paulit-ulit na pagbibigay-diin sa saysay ng panitikan sa pagbubuo at pagpapatibay ng nasyon. Sa pahayag ni Yiannis Psiharis: "A nation in order to become a nation needs two things: to extend its boundaries and to create its own literature… It has to extend not only its physical but its mental boundaries" (sa Jusdanis 1991, 46; akin ang diin)..
[Audio] Hindi lamang pagtitiyak ng teritoryo ang mahalaga sa pagkabansa kundi pagpapatimo sa isipan na nabubuklod ang mga mamamayan sa nasabing teritoryo. Inilarawan ito ni Lumbera bilang "Pag-aakda ng Bansa" (2000) na nagpapahiwatig ng malay na pagguhit sa direksiyon ng nasyon dahil ito ay imahinasyon, konstruksyon, proyekto, o aspirasyon (Anderson 2003; Hau 2004). Many Voices: Towards a National Literature (Ordoñez 1995) Mula sa opisyal na deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas noong 1898, sinasabing ipinataw ng mga ilustrado sa buong kapuluan ang elitistang nosyon ng "soberanyang nasyon" (Sicat sa Ordoñez 1995b, 420)..
[Audio] Sa ideyal, sinasabing "nakatungtong ang pambansang panitikan sa nasyonalismo; sa pagmamahal sa bayan na gumagabay sa mga mamamayan upang lumikha ng […] pamahalaang naglilingkod sa interes, kabutihan, pangarap, at mithiin ng nasyon" (Hosillos 2006, 92). Sa realidad, malaon nang pinagdududahan ang kakayanan at katapatan ng namamahala sa gobyerno sa pagsusulong ng kagalingan ng nakararami. Mula sa opisyal na deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas noong 1898, sinasabing ipinataw ng mga ilustrado sa buong kapuluan ang elitistang nosyon ng "soberanyang nasyon" (Sicat sa Ordoñez 1995b, 420)..
[Audio] Sa ideyal, sinasabing "nakatungtong ang pambansang panitikan sa nasyonalismo; sa pagmamahal sa bayan na gumagabay sa mga mamamayan upang lumikha ng […] pamahalaang naglilingkod sa interes, kabutihan, pangarap, at mithiin ng nasyon" (Hosillos 2006, 92). Sa realidad, malaon nang pinagdududahan ang kakayanan at katapatan ng namamahala sa gobyerno sa pagsusulong ng kagalingan ng nakararami. Sa larangan ng wika at panitikan, may aprehensiyon ang mga rehiyon sa "imposisyon" na maaaring magmula sa sentro o "pambansa" (Dumdum sa Ordoñez 1995a, 12)..
[Audio] Pagsusuri sa mga Akda. Pagsusuri sa mga Akda.
[Audio] Sinasabing ang heograpikal na limitasyon ng mabato at maburol na rehiyon ang nagtulak sa mga mamamayan upang hanapin ang kapalaran sa ibang lupain. Kaiga-igaya sa mga ito ang malawak na kapatagan ng Cagayan at Gitnang Luzon, gayundin ang Cotabato, Mindoro, Palawan, at Quezon (Agcaoili sa Lumbera 2001, 53). Kabilang ang mga Ilokano sa mga unang manggagawa sa mga plantasyon ng Hawaii, California, at iba pang teritoryo ng Estados Unidos sa Asya Pasipiko (Agbayani 1991, 73). Sa personal na danas, una kong narinig sa lolo at lola ko sa nanay ang salitang kadagaan. Mula sa Ilokos, nakarating sila sa lalawigan ng Isabela sa paghahanap ng mainam na lupain para sa itatayong pamilya. Magsasaka si lolo at naglalako naman ng abel-Iluko si lola. Nakuwento rin nilang may mga kamag-anak sila sa iba't ibang panig ng bansa at ibayong-dagat..
[Audio] Sa pamamagitan ng angkan ng mga Agtarap, naisalaysay ang paglipat-lipat ng tirahan ng pamilya dahil sa sariling kapasyahan, hinihingi ng pagkakataon, o marahas na militarisasyon. Mula sa angkan nina Ama Puon (Amang Pinagmulan) at Ina Wayawaya (Inang Kalayaan) na nag-aklas laban sa mapaniil na patakaran ng mga kolonyalistang Espanyol, magpapatuloy ang mga Ilokanong mandirigma hanggang sa susunod na mga henerasyon upang ipaglaban ang tunay na kasarinlan. "Linaon ti Dangadang dagiti saan nga ipabpablaak ken ipakpakaammo dagiti burges a dyaryo a kontrolado dagiti reaksyunaryo a dasig ken estado nga impormasyon, analisis, adal ken dagiti rumbeng nga aramiden dagiti umili iti rehiyon ken pagilian"..
[Audio] Kadagaan/ Angkop o Matabang Lupa. Kadagaan / Angkop o Matabang Lupa.
[Audio] Para sa mga nagdappat4 o setler na magkapatid na Melquiades at Manuel Agtarap at iba pang mga Ilokano, hinahanap ang lupain kung saan pinakamainam magtayo ng pamayanan. Pagkatapos mabigo sa Ilocos at Palawan, natunton ng mga pangunahing tauhan ang kaiga-igayang kapatagan sa bayan ng San Mateo sa probinsiya ng Isabela. Sa paglalarawan ni Agcaoili: Noong unang dumating ang mga nagdappat, ang Sinamar ay kinakailangan pang agawin mula sa puwersa ng kalikasan. Sila ang nagbigay ng pangalan ng pook. Noong sila'y nagpupurok upang pag usapan ang magiging pangalan ng kanilang nililok na pamayanan, isinisilang pa lamang noon ang araw, hindi pa ito nakalalampas sa mga giwang ng mga bundok. (2003, 216) Naitala na ng mga iskolar ang konsepto ng kadagaan ng mga Ilokano na itinuring na "pioneer settler" sa maraming lugar sa Lambak ng Cagayan at Gitnang Luzon (Galang 2009; Lewis 1971; Tadeo 2012). Tinawag silang "land-hungry" ng dayuhang iskolar na si Keesing (1962, 11) at nabansagang "Philippines' most migratory tribe" sa Philippine Regional Profiles 1996 (Tadeo 2012, 12)..
[Audio] Marami ring mga Ilokanong exilo ang puwersahang napapaalis (Agcaoili 2013) lalo na sa panahon ng Batas Militar ni Ferdinand Marcos dahil sa matinding militarisasyon. "Isang araw – mula bukang-liwayway hanggang takipsilim – ang layo ng Sinamar patungo sa lilipatang Linglingay. Sa unahan, likuran, at tagiliran ng bawat karison ay mga bakwit ding may dala-dalahan: tampong sa mga nanang, laga sa mga dalaga, kuribot sa mga binata't binatilyo kung hindi sila nakaalalay sa kalabaw o baka" (Agcaoili 2003, 78-79). Katulad ng ibang mga bakwit, hindi bago sa mga Ilokano ang pakikibagay sa bagong kalagayan at kapaligiran. Sa nobela pa rin, dahil sa patuloy na pagsosona at pandarahas ng mga militar, nakaranas ng malawakang gutom ang mga bakwit. Nang tumagal ito, hindi na umubra sa mga bata ang pampalubag-loob ng mga Ilokanong, "Asin, asin, pampalukmeg ti pingping" (Asin, asin, pampataba ng pisngi) kapag walang maihaing ibang ulam. Pinili na ng ibang nakatatanda, katulad nina Ili at Amor Agtarap, ang umalis sa Linglingay at subukan ang kapalaran sa Maynila at Mindanao..
[Audio] Nang maubos na ang kadagaan sa sariling bayan, tinawid ng mga Ilokano ang karagatan. Sa umpisa pa lamang ng 1900 nagtrabaho na ang mga ito sa mga plantasyon ng Hawaii, Guam, at California (Fonbuena 2014). Nang bumuti-buti ang buhay, pinetisyon ng mga naunang migrante ang mga nasa Pilipinas upang makasunod sa kanila. Lumaganap din ang "landing" o paghahanap ng Pinay na mapapangasawa ng matatandang binatang balikbayan (Rosal 2011, 80). Ganito ang nangyari kay Mira Agtarap nang mapilitang magpakasal sa Hawayanong si Marco Agdaquep na higit ang tanda sa kaniya. Sa Hawaii rin pinalaki ni Teresa Agtarap ang anak nang mapagtantong hindi magiging madali para sa isang dating madre na magsilang sa Pilipinas (Agcaoili 2003). Upang maipakitang may "napatunayan na sa buhay", nagbibigay ng malaki ang mga balikbayan5. Subalit may mas malalim na kabuluhan ang pagbabalik sa Pilipinas nina Mira at Teresa at kanilang mga supling na ang pangalan ay kapwa Bannuar (Bayani). Kung hinahanap at pinagyayaman ang kadagaan, maaari din itong agawin mula sa nagdappat a mannalon (setler na magsasaka). Ganito ang danas ng angkang Agtarap mula sa ninunong Ama Puon at Ina Wayawaya hanggang sa sumunod na mga anak at apo..
[Audio] Nang maubos na ang kadagaan sa sariling bayan, tinawid ng mga Ilokano ang karagatan. Sa umpisa pa lamang ng 1900 nagtrabaho na ang mga ito sa mga plantasyon ng Hawaii, Guam, at California (Fonbuena 2014). Nang bumuti-buti ang buhay, pinetisyon ng mga naunang migrante ang mga nasa Pilipinas upang makasunod sa kanila. Lumaganap din ang "landing" o paghahanap ng Pinay na mapapangasawa ng matatandang binatang balikbayan (Rosal 2011, 80). Ganito ang nangyari kay Mira Agtarap nang mapilitang magpakasal sa Hawayanong si Marco Agdaquep na higit ang tanda sa kaniya. Sa Hawaii rin pinalaki ni Teresa Agtarap ang anak nang mapagtantong hindi magiging madali para sa isang dating madre na magsilang sa Pilipinas (Agcaoili 2003). Upang maipakitang may "napatunayan na sa buhay", nagbibigay ng malaki ang mga balikbayan5. Subalit may mas malalim na kabuluhan ang pagbabalik sa Pilipinas nina Mira at Teresa at kanilang mga supling na ang pangalan ay kapwa Bannuar (Bayani). Kung hinahanap at pinagyayaman ang kadagaan, maaari din itong agawin mula sa nagdappat a mannalon (setler na magsasaka). Ganito ang danas ng angkang Agtarap mula sa ninunong Ama Puon at Ina Wayawaya hanggang sa sumunod na mga anak at apo..
[Audio] Dangadang/ Digmaan. Dangadang / Digmaan.
[Audio] Kahit ano ay gagawin ng mga Ilokano matunton lamang ang Lupang Pangako. Kahit ang pakikipagdangadang (Agcaoili 2003, 42). Binibigkis ng tema ng digmaan ang salaysay ng angkang Agtarap at ng mga uring pinagsasamantalahan. Pakikibaka ang kasagutan sa mga puwersang nais paglahuin ang lupa, at sa esensiya, kadagaan. Dahil sa mga ninuno nagmula ang paglinang ng lupa, matingkad sa nobela at pahayagan ang pagbabalik sa nakaraan at pagpupugay sa mga pumanaw. Katulad ng "speaking for the dead" ni Michelet (Anderson 2003, 197-98), magkakarugtong ang mga panahon, ang kahapon at kasalukuyan tungo sa paglikha ng bukas. Upang maunawaan ang dangadang, humahalaw ang mga malikhaing akda sa diskurso ng pagkatao (tinawag din ni Agcaoili na pagkasino). Paulit-ulit na isinasailalim sa interogasyon ang pag-iral ng mga hindi nagtutugma at hindi makatarungan. Ganito ang nais tuklasin ng bata sa "Samiweng ti Ina" (Awitin ng Ina) na sa kabila ng kalinga ng pinagyamang lupain, "Apay iti pitak nailumlom tayo inggana't inggana?" (Bakit walang patid ang pagkakabaon natin sa hirap?) (Oktubre-Disyembre 1998, 28)..
[Audio] Disyembre 1997, 28). Integral ang kapangyarihan ng paggawa sa pagiging tao na nagtangi sa indibidwal sa ibang nilalang sa mundo. Nakakapagpaalala ito sa konsepto ni Karl Marx ng sangkatauhan bilang tagalikha: "The distinctive character of humanity lies in the ability to plan conscious activity directed towards satisfying needs. People do not simply use nature but progressively master it, so that they become capable of creating their own environment and making their own history" (Burkitt 1984, 37). Malinaw sa mga naratibo na ang usapin sa lupa ang ugat ng digmaan. Sa pahayagang Dangadang, laganap ang metapora ng kalikasan upang isalarawan ang kariktan ng kapaligiran. Nagsasanib ang materyal at ideyal sa malikhaing pag-akda at direktang danas sa mga kagubatan at sakahan. Itinuturing na bimmalitok a talon.
[Audio] Hindi magkakahiwalay ang nasabing mga problema kundi lubhang nakakaapekto ang imperyalistang mga dayuhan at kakutsabang negosyante-politiko sa pagpapalala sa kawalan ng tunay na repormang agraryo. Dahil karamihan sa mga Pilipino ay mula sa uring magsasaka, walang ibang paraan upang maangkin ang lupa kundi ang dangadang: n Ub-ubbo wenno alluyon Balligi ket gun-oden Wayawaya ti mannalon (Dongdong-ay) Isukat, itandudo Agraryo rebolusyon Isu't pudno a solusyon. (Dongdong-ay) Padur-asen ti produksyon Ub-ubbo wenno alluyon Balligi ket gun-oden Wayawaya ti mannalon (Dongdong-ay) Ipalit, purihin Rebolusyong agraryo Ito ang tunay na solusyon. (Dongdong-ay) Pabilisin ang produksyon Bukal man o daluyong Tagumpay ay kamtin Kalayaan ng magbubukid (Dongdong-ay).
[Audio] Ang Potensiyal ng Kadagaan at Dangadang sa Pagharaya sa Nasyon.
[Audio] Sa teknikal na pakahulugan, itinuturing ang mga rehiyon bilang pangkat sa loob ng bansa na may masaklaw na pagkakatulad sa katangiang historikal, kultural, at ekonomiko na nag-uugat sa pagkakakilanlang etniko (Dahlman sa Gallaher et al. 2009, 210). Sa nobela, matingkad ang wika at katutubong mga paniniwala upang itakda na ang mga karakter ay Ilokano. Gayunman, ang paghahanap ng kadagaan o angkop/ kapaki-pakinabang na lupain ang nagtulak sa mga galing Kailokuan upang mapadpad sa maraming panig ng bansa at ibayong-dagat. Napatunayan sa mga akdang Dangadang na hindi natatakdaan ng limitasyong heograpikal ang mithiing makahanap ng nasayaat a biag/ mabuting buhay. Ayon nga kay Agcaoili, "The Ilocos is a difficult territory yet the Ilocanos have remained steadfast in their commitment to life as individuals and as a people, in the end making this territory a source of heroes and eminent men for the pagilian, or the nation" (Lumbera 2001, 53. Akin ang diin). Sa makauring dangadang, napupuksa rin ang limitasyong hatid ng sariling pamilya o sariling rehiyon dahil sa pagturing sa mga BHB bilang "mga anak ng bayan" at sa mga kumakalingang masa bilang kanilang ina, ama, o kapatid..
[Audio] Hindi nakapagtataka kung gayon, na sa Wikipedia at mga teksbuk sa batayang edukasyon, palaging kabilang sa "Katangian ng mga Pilipino" ang pagiging family-oriented. Gayundin, pinipilit pangibabawan ang rehiyonalismo sa awiting "Rebolusyonaryo a Turong" (Rebolusyonaryong Tunguhin) (Mayo-Hunyo 2004, 19)—kahit magkakaiba ang pinanggalingan ng mga Igorot, Tagalog, at Ilokano, nagkakaisa naman ang mga ito sa prinsipyo't adhikain. Sa dangadang, nakikipagkaisa ang indibidwal sa uring inaapi; dahil sa ilalim ng bulok na sistema, kolektibong nararanasan ang parehong pagsasamantala at paglaya. Anupa't kikilalanin ng parehong masa at mandirigma na "Datayo gayam ket isuda met laeng" (Tayo ay sila rin)11. Kahit ang dangadang ng mga Agtarap na nagsimula sa kanilang angkan ay tutungo sa pambansang layunin – mula sa pag-aalsang Basi sa Ilokos, pagiging hukbo ng bayan laban sa mananakop na Amerikano at Hapon, hanggang sa kontemporaring Pambansa Demokratikong Kilusan (sa iba't ibang masang organisasyon at sa BHB). Bilang paglalagom, ang potensiyal ng kadagaan at dangadang sa pagharaya sa nasyon ay nakasandig sa (1) paggapi sa mga hangganang teritoryal at limitasyon ng tradisyonal na konsepto ng pamilya at mas maliit na grupo, (2) pakikipagkaisa sa mas malawak na umili, at (3) pakikibaka para sa kagalingan ng nakararami..
[Audio] Talaban at Salinan ng Bisa ng Rehiyon at Nasyon.
[Audio] Ang nobela ni Agcaoili na nanalo sa Centennial Literary Prize (1998) ay maituturing nang bahagi ng pambansang panitikan ng Pilipinas (Espinosa 2007). Samantala, nananatiling alternatibong radikal na lathalain ang mga likha sa pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Ilokos at Kordilyera. Masasabing parehong may kakayanan ang mga akda sa pagharaya sa nasyon sa paksa at saklaw. Pinatotohanan ni Agcaoili ang talaban at salinan ng bisa ng rehiyon at nasyon: "As in the old days, Iluko literature continues to be a witness to the life of a people that is linguistically different from the rest of the country but a people that is the same as the rest – the same precisely because the Ilokanos also speak of the ili, the pagilian; the same because they dream of wayawaya and gin-awa for the umili12 and the ina a daga13; the same because they cry out for kappia14 and kinalinteg15" (Lumbera 2001, 56). Pagpapatibay ito sa binabanggit ni Lumbera na magkabukod at magkarugtong ang panitikang panrehiyon at pambansa (2000, 156). Panghuli, makabuluhang bigyang-diin na hindi lamang sa mismong akda maaaring manggaling ang tensiyon sa lokal at nasyonal kundi sa mga salik na nakakaapekto sa panitikan at kultura sa kabuuan. Sa realidad, mahihirapang mapaunlad ang rehiyonal at pambansang panitikan kung mas pinahahalagahan ng estado ang elit, sentro, at dayuhan.