ap group presentation

Published on Slideshow
Static slideshow
Download PDF version
Download PDF version
Embed video
Share video
Ask about this video

Scene 1 (0s)

Mga Ideolohiya, Cold war at NeoKolonyalismo. Mga.

Scene 2 (14s)

O. Ano nga ba ang Ideolohiya ?. IDEOLOHIYA.

Scene 3 (23s)

O. Ang Ideolohiya ay nagsisilbing kaisipan , panuntunan o pundasyon ng sistemang pang- ekonomiya at pampolitika ng isang bansa , pamahalaan o kilusan . Isa pa ang ideolohiya ay isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito . Galing ito sa salitang ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao . Ang ideolohiya ang nagbibigkis sa mga mamamayan upang maging isang nagkakaisang lakas . Ang ideolohiya rin ang nagsisilbing gabay ng bawat pamahalaan sa pamamalakad ng nasasakupan nito . Ito rin ang lundayan ng mga pampolitikang kilusan sa paglulunsad ng reporma o rebolusyon tungo sa makabuluhan at pang matagalan pagbabago ng lipunan ..

Scene 4 (52s)

0 DESTTUTT DE TRACY Siya ang nagpakiLaLa ng salitang ideolohiya bilang pinaikling pangalan ng agham ng mga kaiisipan o ideya..

Scene 5 (1m 2s)

Mga Iba’t Ibang kategorya ng ideolohiya. - Ideolohiyang Pangkabuhayan – nakasentro ito sa mga patakarang pang-ekonomiya ng bansa at paraan ng paghahati ng mga kayamanan para sa mga mamamayan. Napapaloob dito ang mga karapatang makapagnegosyo, mamasukan, magpatayo ng union, at magwelda kung hindi magkasundo ang kapitalista at mga mangagawa..

Scene 6 (1m 22s)

Mga Iba’t Ibang kategorya ng ideolohiya. - Ideolohiyang Pampolitika – nakasentro naman ito sa pamaraan ng pamumuno at sa paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala . Ito ay mga pangunahing prinsipyo , politikal at batayan ng kapangyarihang politikal . Karapatan ng bawat mamamayan na bumuo at mapaghayag ng opinion at saloobin ..

Scene 7 (1m 38s)

Mga Iba’t Ibang kategorya ng ideolohiya. - Ideolohiyang Panlipunan – tumutukoy ito sa pagkapantay-pantay ng mga mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng pamumuhay ng mga mamamayan ..

Scene 8 (1m 50s)

Iba’t Ibang ideolohiya. Kapitalismo – tumutukoy ito sa isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksiyon , distribusyon , at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal hanggang sa maging maliit na lamang ang papel ng pamahalaan sa mga patakarang pangkabuhayan . Demokrasya – Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao . Maaring makilahok ang mga mamamayan nang tuwiran o di tuwiran . Direct o Tuwirang Demokrasya – kung ibinoboto ng mamamayan ang GUSTO nilang mamuno sa pamahalaan . Pumipili ang mga mamamayan sa pamamagitan ng halalan o botohan . Di- Tuwirang Demokrasya – kung ang ibinoboto ng mamamayan ay mga kinakatawanan nila sa pamahalaan na siya naming pipili ng mga pinuno sa pamahalaan . Pumipili rin ang mga kinatawan na siyang hahawak sa kapangyarihan na mamahala na tinatawag na representative..

Scene 9 (2m 22s)

O. MCAURINCDEÆOKRASYA Direct Democracy Representative Democracy VOTE Constitutional Democracy Monitory Democracy.

Scene 10 (2m 29s)

O. Isang uri ito ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan . Makikita ito sa pamahalaan ng Iran, kung saan ang namumuno ay siya ring puno ng relihiyon ng estado , ang Islam. May napakalawak na kapangyarihan na sinusunod ng mga mamamayan ang namumuno . Mayroon ding tinatawag na konstitusyonal na awtoritaryanismo kung saan ang kapangyarihan ng namumuno ay itinakda ng Saligang -Batas. Ito ang tawag ng dating Pangulong Marcos sa kaniyang pamamahala sa ilalim ng Batas Militar noong 1972 hanggang sa mapatalsik siya noong Pebrero 1986..

Scene 11 (2m 54s)

O. Ang pamahalaang totalitarian ay karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan . Sa ilalim ng ganitong pamahalaan , may ideolohiyang pinaniniwalaan at may partidong nagpapatupad nito . Limitado ang karapatan ng mga mamamayan sa malayang pagkilos , pagsasalita , at pagtutol sa pamahalaan . Pati ang pagpapahayag ng relihiyon ay hindi lubusang sinasang-ayunan , ngunit hindi rin naman tahasang ipinagbabawal . Lahat ng desisyon tungkol sa pamamahala at kabuhayan ay nasa kamay din ng isang grupo o ng diktador . Nasa kamay ng pamahalaan ang pag-aari ng mga lupain , kayamanan ng mga bansa , at ng mga industriya . Halimbawa nito an pamahalaan ni Hitler sa Germany at ni Mussolini sa Italy bago at habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig . Isang uri ng pamahalaang totalitaryan ang sistemang diktatoryal . Unang ginamit ang sistemang ito noong sinaung panahon tuwing may mga kagipitan o labanan at may pangangailangang magtakda ng isang punong militar na may kapangyarihang diktatoryal ..

Scene 12 (3m 33s)

O. Isang doktrina na nakabatay sa patakarang pang- ekonomiya na kung saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang grupo ng tao . Ang grupong ito ang nagtatakda sa pagmamay-ari at sa pangangasiwa ng lupa , kapital , at mekanismo ng produksyon . Ang mga industriya at lahat ng mga kailangan sa pagbubuti ng kalagayan ng mga mamamayan ay nasa kamay rin ng pamahalaan . Hangad ng sosyalismo ang pagkakamit ng perpektong lipunan sa pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksyon ng bansa . Binibigyang-diin nito ang pagtutulungan habang ang mahahalagang industriya ay pag-aari ng pamahalaan . Halimbawa ng ganitong pamahalaan ang namayani sa tsina at ang dating unyong sobyet , kung saan ang teorya ni Karl Marx ay sinubukang bigyang katuparan ..

Scene 13 (4m 6s)

O. Ang Cold War. Ano nga kaya ang mga kaganapan sa Cold War ??.

Scene 14 (4m 15s)

O. Ang Cold War. Ang cold war ay panahon ng tensiyong politikal at tensiyong military na naganap pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig ..

Scene 15 (4m 33s)

O. Ang Cold War. Ang pananaw sa cold war ay ang United States at Unyong Sobyet ay naging makapangyarihang bansa matapos ang Ikalawang digmaang pandaigdig . Hindi naging mabuti ang ugnayan ng mga bansang ito na kapwa tinatawag na superpower. Nauwi ito sa cold war na bunga ng matinding kompetensiya ng mga bansa noong 1940 hanggang 1990. Hindi lamang tunggalian sa kapangyarihan kundi pati na sa ideolohiya ang dahilan nito . Ang United States ang nagtaguyod ng demokrasya at kapitalismo samantalang ang Unyong Sobyet ay kumatawan sa sosyalismo at komunismo . Malaki ang naging papel ng Estados Unidos bilang pinakamakapangyarihang kapitalista sa pagsasaayos ng daigdig matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig . Upang mapigil nito ang paglaganap ng sosyalismo at komunismo ng USSR, gumawa ito ng iba’t ibang hakbang . Sa pamamagitan ng marshall plan, tiniyak ng United States ang pagbangon ng kanlurang Europa bilang kapanalig sa kanluran . Sa silangan , tiniyak din nito ang pagbangon ng Japan sa pamamahala ni Heneral Douglas MacArthur..

Scene 16 (5m 15s)

O. Ang Cold War. Ang Estados Unidos at Unyong Sobyet ay dating magkakampi at kasama sa mga bansang nagtatag ng nagkakaisang mga bansa . Ngunit dumating nga ang pagkakataong sila’y nagkaroon ng Cold War o hindi tuwirang labanan . May mga pangyayaring namagitan sa kanila at lumikha ng tension dahil sa pagkakaiba ng ideolohiyang kanilang pinaniniwalaan . Ang Estados Unidos ang pangunahing bansang demokratiko , samantalang ang Unyong Sobyet ay komunista . Ang kanilang sistemang politikal ay nakaapekto sa maraming bansa . Upang mapanatili ng Unyong Sobyet ang kapangyarihan sa silangang Europa, pinutol nito ang pakikipagugnayan sa mga kanluraning bansa ..

Scene 17 (5m 42s)

O. Ang Cold War. Naputol ang kalakalan , limitado ang paglalakbay , bawal ang pahayagan , magasin , aklat , at programa sa radio. Ito ang tinagurian ni Winston Churchill na Iron Curtain o pampulitikang paghahati sa pagitan ng Soviet Bloc at taga-kanluran . Lalo pang umigting ang di pagkakaunwaan dahil sa kawalan ng bukas na kalakalan ng mga bansang ito . Noong 1945, hiniling ni Stalin na magtayo ng base military sa bahagi ng Black Sea at Aegean. Bahagi ito ng pagpapalawak ng Unyong Sobyet . Bilang tugon nagpalabas noong 1947 ng patakarang Truman Doctrine si Harry S. Truman, pangulo ng Estados Unidos..

Scene 18 (6m 17s)

O. Ang Estados Unidos at Unyong Sobyet ang nagpasikat sa pagpapalaganap ng kanilang ideolohiya . Isinulong ni Mikhail Gorbachev ang glasnost o pagiging bukas ng pamunuan sa pamayanan at perestroika o pagbabago ng pangangasiwa sa ekonomiya . Nagkasundo sina Gorbachev ng Unyong Sobyet at Ronald Reagan ng Estados Unidos na tapusin na ang arms race upang maituon ang badyet sa ekonomiya at pangangailangan ng nakararami ..

Scene 19 (6m 38s)

O. DI - MABUTING EPEKTO NG COLD WAR. Umigting ang di pagkakaunawaang pampolitika , pangmilitar , kalakalan ng mga bansa . Bumaba ang moral ng mga manggagawa ng Unyong Sobyet nanagdulot ng malaking suliraning pang- ekonomiya . Iginigiit ng dalawang puwersa ang kanilang pamamalakad kaya’t nawalan ng tunay na pagkakaisa . - Nagkaroon pa ng banta ng digmaan na magkakaroon ng mga samahang pansadatahan ..

Scene 20 (6m 58s)

O. Ang pamamaraan ng neokolonyalismo pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig , lumitaw ang makabagong uri ng pananakop upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan , ang neokolonyalismo at interbensyon . Itinuturing ang neokolonyalismo na bago at ibang uri ng pagsasamantala sa mahirap na bansa . Ayon sa mga agham-politika , ito ang pananatili ng control ng isang dating kolonyalista sa dati nitong kolonya . Malumanay at patago ang pamamaraang ito . Layunin nitong patatagin ang pamumuhunan ng kolonyalistang bansa , pigilan ang pagkamit ng tunay na kalayaan , at kunin ang mas malaking kita sa negosyo . Sa kabuuan , pinaigting nito ang imperyalismo sa ekonomiya , politikal , military at ideolohiyal na mga aspeto . Isa sa maituturing na pinakamahalagang sangkap ng sistemang neo- kolonyalismo ay ang pagkakaroon nito ng makabagong pamamaraan sa pamumuhuang industriyal at pinansiyal ..

Scene 21 (7m 35s)

O. Ang pagkakaloob ng tulong pinansyal at militar ay ilan lamang sa anyo ng Neokolonyalismo . Sa aspetong ito , lumalabas na tinutulungan ng mga kapitalistang bansa o maunlad na bansa ang mga dating kolonya na kalimitan ay nasa asya at Africa..

Scene 22 (7m 50s)

O. PANG-EKONOMIYA. Naisasagawa ang Neokolonyalismo sa pamamagitan ng pakunwaring tulong sa pagpapaunlad ng kalagayang pangkabuhayan ng isang bansang tinutulungan sa patakaran at motibo ng bansang tumutulong ..

Scene 23 (8m 12s)

O. Ang napakaloob sa dayuhang tulong o ‘Foreign Aid’ na maaaring pang- ekonomiya , pangkultura o pangmilitar . May kapalit ang ‘LIBRENG’ tulong . Nagbebenta ang bansang tumulong ng mga IMPORTED na produkto sa bansang tinutulungan kaya nga’t bumalik din sa kanya ang malaking tubo ng kanyang puhunan ..

Scene 24 (8m 43s)

O. EPEKTO NG NEOKOLONYALISMO Over Dependence – malinaw na umaasa nang labis ang mga tao sa mayayamang bansa lalong-lalo na sa may kaugnayan sa united states Loss of Pride – sanhi ng impluwensiya ng mga dayuhan , nabubuo sa isipan ng mga tao na lahat ng galling sa kanluranin ay mabuti at magaling , na isang dahilan kung bakit ang tao ay nawalan ng interes sa sariling kultura at produkto . Continued Enslavement – ang lahat ng aspeto ng kabuhayan ay kontrolado pa rin ng kanluranin ..