[Audio] Ang Bilin Ni Lola Noong bata pa ako, sa tuwing sasapit na ang takip-silim, palagi akong binibilin ng aking lola na kapag may maririnig akong katok sa aming pinto lalo na kung ito ay magkakahiwalay at umabot pa sa bilang na tatlo, kahit na anong mangyari, ay huwag na huwag ko raw bubuksan ang pinto. Hindi ko alam kung bakit dahil hindi rin naman nya sinabi sa akin ang dahilan. Ngayong may sarili na akong pamilya at patay na rin ang aking lola, hindi ko parin alam ang sagot sa bilin niyang ito. Meron din ba rito sa inyo ang napagsabihan na bawal buksan ang pinto kapag may maririnig na magkakahiwalay na katok na aabot hanggang tatlo? Ano kaya ang dahilan?.